Saturday, April 30, 2011

The Meme is Dead. Long Live the Meme!




Dear Memetic Death Goddess, Superbia,





Ngayon pong araw na ito ay tinapos ko na ang ambisyon ko na maging writer para sa isang higanteng publishing company...Hindi ko po maintindihan ang sarili ko, kung bakit hindi ko matanggap ang mga puna nila...Baka po talagang feelingera lang ako...Feeling ko magaling ako. Masyado akong nagmamagaling kaya ko sinasagot ang mga feedbacks nila at in a disrespectful way pa...Sorry naman Majestic Superbia, nagpanting talaga ang tenga ko at nakakita ako ng dugo nang mabasa ko ang mga comments nila eh...Masyado ko sigurong mahal ang stories ko...

Hay, Superbia, ano kayang pupuntahan ng isang katulad ko na nag-aambisyon maging writer ngayong sumuko na ako sa pag-aambisyon na maging writer para sa _______? May tatanggap pa kaya sa akin, eh masyado akong feelingera? Memetic Death Goddess, please guide me...






Depressed beyond words,


Zaira King, the Extinct Meme

No comments:

Post a Comment