La Familia Adiktus 1: My Fiancé is a Vampire



Synopsis

Simple lang ang pangarap ni Romina Ngusngos-Balisawsaw: Una, ang maligo sa salapi; Ikalawa, ang bumango ang apilyedo niya. Lumuwas ng Maynila ang loka para maghanap ng mayamang mapapangasawa. Mas matanda at mas madaling mamatay mas bongga. Iyun nga lang, nauwi siya sa pagiging isang katulong. Tamang-tama naman, parang inadya ng langit, dumating sa kanya ang isang oportunidad para makamit ang mga mithiin niya. Mangyari kasi ay isang dugong bughaw mula sa malayong kaharian sa Europa ang bigla na lamang, out of the blue, nag-alok sa kanya ng kasal. Matatanggihan ba niya ang lalaki? Mayaman ito. Mabango ang apilyedong Brettencourt. Gwapo ang mukha. At higit sa lahat panalo sa abs! Sa madaling sabi ay pumayag ang ating bida na maging  fiancée ng mayamang Konde. Goodbye Romina Ngusngos-Balisawsaw, hello Countess Romina Brettencourt na sana ang drama ng ating bida pero isang lihim ang matutuklasan niya na kanyang ikagigimbal nang bonggang-bongga!





Prologue (Part 1)



“Inay, Itay, Forget me not.”

Iyan ang madramang parting words ni Romina Ngusngos-Balisawsaw sa kanyang mga magulang bago siya sumakay ng bangka na magdadala sa kanya sa kabayanan kung saan siya sasakay ng bus papuntang Maynila. Labing-siyam na taong gulang lamang si Romina. Mulat sa kahirapan at sa dusa ng buhay kaya naman hindi niya natapos ang kanyang pag-aaral. Pero puno siya ng pangarap at ambisyon. Kaya naman matapos mabigo sa pag-ibig nagdesisyon siyang hanapan ang swerte sa Maynila.

“Kung hindi ako pupuntahan ng swerte, ako ang maghahagilap sa kanya,” matapang na saad ni Romina sa kanyang mga magulang, habang nakatayo sa labas ng simbahan noong nagdaang araw ng linggo. Nakadamit pangluksa siya with matching itim na belo, itim na burdadong bestida, itim na stockings at sandals na kulay neon pink. Pinigilan niya ang maluha habang tinitingnan ang napakalaking banner sa labas ng simbahan.

Longlong-Talong and Kiri-Motmot Nuptial

Nanasok ang labis na lumbay sa puso ni Romina. Pinagtaksilan siya ng kanyang nobyo na si Richard Raymond “RR” Longlong-Talong at ng kanyang BFF in the whole wide world na si Pepsi Sarsi “Cola” Kiri-Motmot. Matagal na palang may lihim na ugnayan at unawaan sina RR at Cola. At ito namang si Romina walang kaalam-alam na her boyfriend and her bestfriend started a joke, and the joke was on her. Wala siyang nagawa kundi ang mag-look at the skies, running her hands over her eyes.

She started to cry, which started the whole world laughing. Habang nagse-senti siyang umiinom ng taho sa harap ng simbahan ay siya namang paglabas ng masayang bagong kasal kasama ang mga patay-gutom sa handaan nilang mga kapit-bahay. Naramdaman ni Romina ang puno ng pagmamahal na dampi ng palad sa kanyang balikat. Nagpilit siyang ngumiti pagkatapos ay nagwika:

“Inay, okay lang ako. Matapang ang anak mo. Hinding-hindi ako iiyak. Palaban si Romina Ngusngos-Balisawsaw. Babangon ako at dudu – “

“Ineng ‘yung bayad mo sa taho – “ pakli ng taong humawak sa kanyang balikat. Lumingon si Romina, wala ang kanyang mga magulang sa tabi niya. Sa sobrang galit niya ay naihagis niya ang plastic cup na naglalaman ng taho.

“Aray!” sigaw ng metro aide na nahilamusan ng taho.

Hinambalos ng metro aide ng walis si Romina, pero hindi ko na ikukwento dito kasi hahaba lang ang ating salitaan. Hindi ko na rin babanggitin pa na tinakbuhan ni Romina ang matandang nagtitinda ng taho. Ayoko na ikwento sa inyo ang mga iyan dahil hindi naman importante ang mga iyan…So balik tayo sa kwento

Hindi malaman ni Romina kung iiyak ba siya o maglulupasay sa bangka habang tinitingnan niya ang papalayong imahe ng kanilang Isla. Kakaiba sa lahat ng bayan sa Pilipinas ang bayan ng Ketong Colony. Bukod sa nakakadiri ang pangalan nito at pinangingilagan ang isla kahit na matagal nang walang nagkakasakit ng ketong doon, nakaukit parin sa kasaysayan ng Ketong Colony ang masalimuot nitong nakaraan. Mangyari kasi, noong panahon ng mga Kastila, ang isla ay naging tapunan ng mga taong may sakit na Ketong. Iyon din ang naging dahilan kung bakit kakatwa ang mga apilyedo ng mga tao doon. Kung may ketong ka at wala kang magawa sa buhay mo kundi ang pagmasdan na unti-unting nababawasan ang parte ng katawan mo, maglilibang ka nalang sa pamamagitan ng pagti-trip sa apilyedo mo. Iyon ang past time ng mga ninuno ng mga mamamayan ng Ketong Colony – ang babuyin ang mga apilyedo nila. Ni wala silang kamalay-malay na ipapamana nila ang mga mababantot nilang apilyedo sa kanilang magiging kaapu-apuhan.

Nagsasawa na si Romina sa mabantot niyang apilyedo. Sawa na siya sa araw-araw na pagtatanim at pagkain ng kamote. Nilagang kamote sa umaga, kamote fries sa tanghali, kamote-que sa gabi…Puro kamote nalang!

“Hindi ganito ang pangarap kong buhay!” minsang sigaw niya nang maubusan siya ng kamote-que. Lumabas siya ng kanilang bahay pagkatapos ay nagtungo sa baybayin. Doon sumigaw siya hanggang sa makakaya niya.

“Gusto kong makaranas naman ng kasaganaan. Gusto kong iwanan ang tagpi-tagpi naming barong-barong. Gusto kong magsuot ng magagarang damit. Ayoko na ng basahan. Gusto kong kumain ng masasarap na pagkain. Gusto kong magpakabusog hanggang sa hindi na ako makalakad. Gusto kong magkaroon ng magagarang sasakyan dahil pagod na pagod na ang puro sugat kong paa. Ayokong mamatay ng mahirap!”

Lumuluha siya pagkatapos niyang ibuhos ang lahat ng saloobin niya. Napakagat-labi siya sa sobrang sama ng loob. Bakit sobrang malas ng buhay niya? Bakit mas mahirap pa siya sa daga? Bakit hindi siya ipinanganak na mayaman? Hindin naman siya masamang tao. Hindi naman halang ang kaluluwa ng mga magulang niya. Bakit sila isinilang, tumanda at mamamatay na tirik ang mga mata? Hindi papayag si Romina na hindi manlang makaranas na kumain ng hamburger, spam at cheese whiz ang inay niya. Hindi siya papayag na hihina ang tuhod at tuluyang malumpo ang kanyang itay na hindi manlang nakakapag-suot ng Nike o Adidas at Body Bench na briefs. Gagawa siya ng paraan. Hahanapin niya ang swerte niya. Aalis siya sa kanilang isla at magpapakayaman sa Maynila. Buo na ang desisyon niya. Magiging mayaman siya. Mag-aasawa siya ng mayamang lalaki na mabango ang apilyedo.

“Lord, gogora ako! Rarampa ako sa Maynila ng bonggang-bongga! Bless me Lord!” Nakatingin siya sa langit, punung-puno ng pag-asa.






Prologue (Part 2)
 
 
      Pinigilan ni Romina ang maiyak. Hanggang sumakay siya ng bus ay pinanatili niya ang kanyang lakas ng loob. Ni hindi siya lumingon manlang. Dali-dali siyang umupo pagkatapos ay ipinikit ang kanyang mga mata. Unti-unti nagbabalik sa kanya ang mga alaala ng kanyang masayang kabataan sa Ketong Colony. Ang mga puno ng mangga, atis, santol at kaimito na inakyat niya noon. Ang mga naging parte ng kanyang buhay bilang isang bata. Ang paglalaro nila ng kanyang mga kaibigan ng patintero, piko at taguan. Wala siyang kilalang ibang tahanan. Wala siyang tatawaging tahanan kundi ang Ketong Colony. At alam niyang kahit saan siya dalhin ng kapalaran. Ang maliit na barong-barong na iyon na iniwan niya kanina, ang tahanan kung nasaan ang kanyang inay, itay at mga kapatid, ang tanging tahanan na kikilalanin ng puso niya.

        Drama mode talaga si Romina habang unti-unting napupuno ang bus. Paraan din niya iyon para makaiwas siya sa paniningil ng konduktor. Siyempre kung pang Famas ang performance niya with matching bula pa ng bibig habang umiiyak at kumakain ng nilagang itlog, malamang hindi siya lapitan ng konduktor. Kung pumalya ang akting niya, nandiyan pa naman ang tulug-tulugan school of acting.

       Nang dumaan at mapatingin sa kanya ang kundoktor ay nagkunwari siyang naghahalungkat sa kanyang bag. Sige kalkal lang si Romina nang biglang….nahulog ang kanyang pang Monday na panty. Well hindi lang exclusive na pang Monday ang panty niya na iyon dahil minsan tatlong magkakasunod na araw niya kung gamitin iyon. Kapag may nakakapuna na suot parin niya ang kanyang Monday panty kahit sabado na…Sinasabi nalang niya na favorite niya ang Panty na iyon at tatlo ang ganoon niyang panty. So ayun nga nahulog ang panty niya sa dura ng katabi niyang mama na sira ang kaliwang mata. Hindi alam ni Romina kung ano ang trip ng katabi niya. Maliban kasi sa tadtad ng muta ang kaliwang mata nito ay mahilig pa itong dumura. Na-shock ng todo si Romina nang makita niyang sumasayaw ang tinga ng kangkong at bagoong sa buhok ng babae sa harap nila matapos dumahak ang katabi niya pero hindi na siya nagsalita pa at baka sumiklab pa ang digmaan ng lalaking sira ang kaliwang mata at ng babaeng oily ang noo sa harap niya.

May kasama palang nahulog ang Monday panty niya. Isang papel. May sulat? Kanino galing iyon? Sigurado siyang hindi galing sa nanay niya dahil hindi iyon marunong magsulat. Hindi rin sa tatay niya dahil mas bet ng tatay niya ang magtext. Baka sa kapatid niyang apat na taon na sa grade six? Dinampot niya ang sulat pagkatapos ay binasa.

Dir Rommmewnah, (Wow! Hanep sa spelling ng pangalan niya)

Hebaang benabasa mo ang soolat kong ito ay malamang nasa Maaynela ka na. Akow ito ang inay mow. Nagolat kka ba? Maroonung na ako magsulat anak? Nagsikappp talaga akowng ma22 kasi naiicip ko malalayooo ka sa amen at mamimiesh kita anak. Pagpacensiahan mo na ang inaaay mong looka-lookaaa. Gus2 ko kasi kaheet malayo ka na…Magkaka-owsap pa rin tayo…I lab u anak…
Naiyak nang bongga si Romina sa nanay niya. Kaya pala nitong mga nakaraang araw ay madalas itong tumatambay sa day care center sa tabi ng simbahan. Nag-aaral pala itong magbasa at magsulat. Ah! Kiber kung ang panty niyang pang Monday na may dura ng mamang sira ang kaliwang mata ang pinangpupunas niya ng feslak niya. Hindi mapigilan ni Romina ang maiyak. Kaya umiyak siya nang umiyak. Iyak lang ng iyak. Hanggang sa magdesisyon ang konduktor na sirain ang drama moment niya.

“Iha may ticket ka na ba?” nagdududang tanong ng konduktor sa kanya.

Bingi-bingihan school of acting ang drama ni Romina. Mas lalo pa niyang nilakasan ang iyak niya.

“Inay! Inay!” ang mapait na sigaw niya na sinamahan ng paglulupasay sa upuan niya.

“Inay! Bakit inay! Bakit hindi mo ako pinakinggan? Ah! Ah! Tubeeeeeegggg!”

Sa pagkakataong iyon ay lumi-vel-up na ang drama ni Romina. Himatay-himatayan school of creative acting na siya.

Kesyo sanay na ang kundoktor sa mga katulad ni Romina, hindi niya binili ang pang- Pasan Ko Ang Daigdig akting ng dalaga. Hinablot niya ang bag ng babae pagkatapos ay hinagilap ang pera nito. Nang makuha ang kanyang pakay ay marahas na inihagis nito ang bag sa pagmumukha ng OA sa pagkahimatay na si Romina.

“Ang dami mong akting girl! Hindi mo ako madadaan sa ganyan!” naiiritang sigaw ng konduktor bago ito lumipat sa ibang pasahero.

Ngayong nabawasan ang perang dala ni Romina ay bigla siyang kinabahan. Paano niya hahanapin ang swerte niya sa Maynila kung 150 nalang ang pera niya? Muli ba siyang babalik sa kanyang hobby noong grade 1 palang siya na pangho-holdap ng mga bumbay?

Waring isang tugon mula sa langit. May nahulog mula sa bulsa ng kanyang bag. Isang sulat ulit. Kanino naman kaya galing iyon? Dinampot iyon ni Romina.

“From Bumbay” ang nakalagay sa Hello Kitty na envelope. Wow! Sinulatan siya ng bumbay na hinoldap niya nung grade 1 pa siya!

Oo Romina, sinulatan kita – pambungad na salita sa liham ng bumbay.

Alam mo ba kung bakit? Malamang hindi mo alam. Well to tell you the truth Romina, crush kita. Oo na, gets ko na hindi mo ako type. Pero sasabihin ko pa rin na mula noong grade 1 ka pa ay crush na kita. Napakaganda mo sa iyong Jollibee na bag at napakasexy mo sa suot mong pang first communion noong nasa grade 3 ka. Anyway, kaya ako sumulat ay dahil nalaman ko na pupunta ka ng Maynila. Gusto ko lang sabihin sa iyo na may kakilala ako sa Maynila na naghahanap ng kasambahay. Kung interesado ka ay puntahan mo nalang ang address na isinulat ko sa likod ng suot mong t-shirt ngayon. Love, Bumbay.

Ito na ba ang sagot sa panalangin ni Romina? Paano kung may mayamang matandang Don ang naghihintay sa kanya sa address na ibinigay ni Bumbay? Iyon na ba ang opportunity niya na makapag-asawa ng mayamang, matanda na madaling mamatay? Ilang taon na si Madam Auring? Bakit biglaan ang pagtatapos ng Machete? Bakit walang adam's apple si B1 at si B2? Bakit isang panty lang ang dala niya? Iyan ang mga tanong na gumugulo sa isipan ni Romina.



 
Prologue (Part 3)
 
 
Makalipas ang mahabang bus ride na inabot ng isang araw at dalawang oras na pagsakay sa ferry boat ay narating na ni Romina ang kabilang bahagi ng Pilipinas. Anim na oras pa ang inabot bago makarating sa bus terminal sa Cubao ang bus na sinasakyan ni Romina.

Ito na nasa Maynila na ako. Malapit ko na maabot ang mga pangarap ko.” Magkahalong kaba at tuwang sambit ni Romina sa sarili. Inilibot niya ang kanyang mga mata sa buong paligid.

Ganito pala ang Maynila?” tanong niya sa sarili. Malayung-malayo ang nakikita niya ngayon sa naiimagine niyang magiging itsura ng Maynila. Akala niya kasi sa Maynila puro gwapo ang tao. Pero bakit puro mga taong grasa na butas ang shorts ang nakikita niya? Bakit mga pilay na tumutugtog sa kalsada ang nabubungaran niya sa bawat kanto? At bakit mahilig mamboso ang mga pilay na iyon? Wala siyang malinaw na patutunguhan kaya naman sumunod nalang siya sa daloy ng tao sa kalsada. Sige lakad lang siya hanggang sa makarating siya sa MOA. Hindi manlang niya napansin na sobrang haba ng nilakad niya mula Cubao hanggang MOA. Bakit ba? Eh sa type niya maglakad eh. Pagdating niya ng MOA ay bigla niyang naalala na nakalimutan niya ang bag niya sa bus terminal. So bumalik ulit siya from MOA sa cubao. Hindi niya hobby ang maglakad. Hinding-hindi!

Hindi na niya nakita ang bag niya. Nanlumo siya. Sa sobrang panlulumo niya napasayaw siya ng Poker Face sa bus terminal. Mabuti naman dahil sa ginawa niyang pagsasayaw ng Poker Face ay may nag-abot sa kanya ng pera. Suma-tutal nakalikom din siya ng trenta pesos. Sa sobrang lungkot niya at sa sobrang laki ng problema niya ay naisipan niyang sumabit nalang sa jeep at pumunta ng Luneta. Hindi pa siya nakakapunta ng Luneta kaya naman excited siya. Komo first time niya sa big city, halatang-halata na aanga-anga siya. Ikaw ba naman ang mag-hubad ng tsinelas bago umakyat ng jeep. Ewan ko nalang kung hindi mapansin ng mga kapwa mo pasahero na kulang ka sa iodine.

Patay. Paano na ako nito? Anong gagawin ko ngayon? Wala akong kapera-pera. Wala manlang akong kakilala dito.” Nagumpisang pagsisihan ni Romina ang ginawa niyang pagluwas sa Maynila. Paano kung mapahamak siya? Paano kung imbes na mapabuti ang buhay ay mapariwara pa siya? Nang akmang tatalon na si Romina sa jeep ay biglang may tumawag sa kanya.

“Romina? Romina Ngusngos-Balisawsaw? Ikaw na ba iyan girl?” malandi ang malalim na boses ng taong nagsalita. Lumingon si Romina. Nagulat siya.

“Mama Rene? Mama Rene Chichi-Tayitayi! Mama Rene ikaw nga!” maluha-luhang sigaw ni Romina. Matagal na panahon na niyang hindi nakikita ang bestfriend niyang matador. Isang matador sa slaughter house si Mama Rene noong nasa Ketong Colony pa ito. Pero isang araw ay nagdesisyon itong hanapin ang swerte sa Maynila. Iniwanan ni Mama Rene ang kanyang blooming career bilang matador pati ang kanyang crown bilang Binibining Slaughter House 2005, na napunta sa second princess – ang tatay ni Romina.

“Kamusta ka na girl?” nakangiting tanong ni Mama Rene. Nakaka-angat na nga sa buhay si Mama Rene, napansin ni Romina. May nakasingit kasing tinga ng corned beef sa dalawang bagang nito sa harap. Isa si Mama Rene sa mga masu-swerteng tao na nabiyayaan ng bibig na puro bagang ang ngipin. At bonus pa doon ang makapal niyang gums na kulay violet. Sige lang sa pagngiti si Mama Rene, na Miss Project-Project sa Binibining Slaughter House 2005 pageant.

“Ito nga Mama ang laki ng problema ko eh.”

Napansin ni Romina na biglang dumistansiya si Mama Rene ng upo sa kanya.

“Ha? Ano yun Romina? Sorry di kita narinig eh.”

“Sabi ko Mama malaki ang problema ko,” pasigaw na ulit ni Romina.

Patay-malisyang lumi-linga-linga si Mama Rene, halatang gusto nang bumaba. Kung medyo maluwag lang ang bintana ng jeep ay malamang na doon na tumalon si Mama Rene.

“Sorry Romina busy ako eh.” Palusot na paliwanag ni Mama Rene bago dukutin ang Nokia 5110 sa kanyang bag. Naiinggit si Romina sa ka-high-tekan ng cell phone ni Mama Rene na may Hello Kitty sa antenna.

Tunay nga, maalwan na ang buhay ni Mama Rene,” sa loob-loob niya. Naalala ni Romina na hindi pa siya nagbabayad ng pamasahe. Ayaw na niyang mapahamak ulit kaya nangako siya sa sarili na hindi na siya magwa-123.

“Manong, bayad po,” magalang niyang sabi. Mabilis pa sa alas kuwatro ang ginawang pag-abot ng bayad ni Mama Rene sa bente pesos ni Romina.

“Manong dalawa ho iyan,” inunahan ni Mama Rene ng anunsiyo ang dalaga.

“Salamat Romina ha. Hindi ka na dapat nag-abala pa. May pambayad naman ako. Alam mo kasi maganda naman ang kita ko dito sa Maynila. Super successful ako dito.” Humahalakhak pa si Mama Rene habang ibinubulsa niya ang sukli ng bente pesos ng dalaga. Si Romina naman ay hindi nagdududa na talagang big time na si Mama Rene.

Malamang bigtime na nga si Mama Rene. Kasi kung hindi siya bigtime paano niya ma-aafford magsuot ng dalawang bra diba?” pangungumbinsi ni Romina sa sarili habang tinitingnan ang suot-suot na bra ni Mama Rene na nakapatong sa kanyang sweater.

“Nga pala Romina, gusto mo ba ng raket?” biglang naitanong ni Mama Rene habang ibinubulsa niya ang bayad ng pasahero sa tabi ni Romina.

“Oo sana Mama. May alam ka ba?”

“Ako pa! Eh Managing Supervision kaya ako sa opis namin!” pagbibida ni Mama Rene.

“Wow Mama, bigtime ka na talaga. Isipin mo Managing Supervision ka na! Saan ka ba nagtatrabaho?”

“Sa Luneta mismo,” mayabang na sagot ni Mama Rene.

“Wow Mama, ipasok mo naman ako sa office ninyo.”

“O sige ba. Malakas ka sa akin Romina, alam mo iyan.”

Sa pagkakataong iyon ay hindi napigilan ni Romina ang sarili niya na yakapin si Mama Rene.



Sa Luneta…

“O Romina okay ka na ba sa cubicle mo?” may halong pride na tanong ni Mama Rene. Proud na proud siya sa sarili niya lalo pa ngayon na may natulungan siyang kababayan niya mula sa Ketong Colony.

Hindi malaman ni Romina ang isasagot niya. Malay ba niyang ang trabaho pala ni Mama Rene ay isang janitor sa public toilet sa Luneta. At sa kasamaang palad, dahil sa may naipasok siyang bagong empleyado ay tumaas ang ranggo ni Mama Rene. Malas lang ni Romina dahil sa kanya napunta ang dating trabaho nito – ang maging assistant ng mga lalaking magsi-CR na walang mga kamay. Ang magiging trabaho ni Romina ay tulungan ang mga lalaking disabled na iyon para umihi. So ibig sabihin niyon, siya ang magbubukas ng zipper ng mga lalaking iyon at siya ang mag-aasinta ng *bleep* para sumakto sa toilet bowl nila sa pag-ihi.

“Mama sure ka ba okay lang ito? Hindi kaya parang alangan sa akin ang trabahong naibigay mo sa akin?” Natatakot na tanong ni Romina.

“Sus ano ka ba Romina. Three years na ako dito sa Luneta. Wala naman talagang nagsi-CR dito na walang mga kamay noh. Bale parang parte lang ng Customer Service ng management ang mag-assign ng mag-aassist sa mga lalaking walang mga kamay sa pag-ihi. Pero wala naman talagang pumupunta na ganun dito. Ano ka ba? Bagong luwas ka lang kasi kaya wala kang alam sa Maynila. Hindi namamasyal ang mga taong walang kamay dito noh,” tumatawa nang malakas si Mama Rene para maipakita kay Romina na walang dahilan para matakot siya.

Si Romina naman ay gumaan ang loob. Natawa din siya. Tama nga naman. Kung wala kang mga kamay bakit mamamasyal ka pa sa Luneta?

Habang nagtatawanan ang dalawa ay bigla namang huminto ang isang bus sa tapat ng CR. Malaki ang karatula sa gilid ng bus na nagsasabing: "First-Ever Field Trip ng Mga Lalaking Walang mga Kamay!”

“Diyos ko!!!” sigaw ni Romina.
 
 
 
 
Prologue (Part 4)
 
 
“Hay grabe, nakakapagod!” pasalampak na umupo si Mama Rene sa upuan sa kanyang condo unit. Si Romina naman ay napabuntong-hininga pagkatapos ay nahihiyang tumingin sa bading niyang kaibigan.

“Sorry Mama ha. Unang araw ko palang, nag resign na ako kaagad – “

“Asus, “ pakli ni Mama Rene na kasalukuyang inaamoy-amoy pa ang kanyang mga kamay na pagod na pagod sa paghawak at pagpisil ng *bleep* ng mga umihing lalaking walang kamay, “okay lang iyon Romina. Sino ba naman ang mag-aakala na bigla-bigla ay magkakaroon ng field trip ang mga lalaking walang kamay diba?”

Napakagat-labi si Romina dahil sa hiya sa kanyang kaibigan.

“Hayaan mo Mama Rene, hahanap ako ng trabaho kaagad-agad para naman makatulong ako sa iyo.”

“Naku naman ito si Romina. Ano ka ba? Okay lang iyon,” nakangiting sabi ni Mama Rene sa kaibigan. Tumayo ang bakla at nagtungo sa kusina. Maya-maya pa ay may dala na itong pagkain.

“Halika Romina kumain muna tayo,” anyaya niya sa dalaga. Natuwa naman si Romina dahil sa kahit papaano ay marami namang nakahandang pagkain – may tinapa, itlog na maalat, bagoong, tuyo, danggit at Lucky Me pancit canton na nakahain sa hapag. Ayaw ni Mama Rene ng maalat na pagkain. Allergic siya!

“Sige kain ka na Romina.”

Hindi makuhang umupo ni Romina sa hapag dahil sa kabila ng pag-iimbita sa kanya ni Mama Rene ay kitang-kita niyang itinatago nito ang ibang upuan ng lamesa sa loob ng kwarto nito.

“Ano ka ba Romina kumain ka na,” muling paanyaya ni Mama Rene habang nila-lock niya ang pinto kung saan niya itinago ang mga upuan. Nagdesisyon si Romina na kumuha nalang ng plato. Pero mukhang nabasa ni Mama Rene ang binabalak niya kaya naman mabilis nitong itinago ang mga plato at mga baso, pati mga kubyertos sa ilalim ng carpet ng kusina.

“Sige po Mama Rene, titikim-tikim nalang ako ng ulam mo. Hindi rin naman ako masyadong nagugutom eh,” pagsisinungaling ni Romina. Sa totoo lang ay isang araw na siyang hindi nakakakain. Ang baon kasi niyang nilagang itlog ay gumulong sa loob ng bus at natapakan ng konduktor. Komo hindi sila close ng konduktor na iyon ay naging piping saksi nalang siya ng pagkadurog ng magsisilbing pagtawid gutom sana niya hanggang sa marating niya ang Maynila.

“Ikaw ang bahala,” sabi ni Mama Rene habang masaya siyang kumakain. Nang akmang dadakmain na ni Romina ang tinapa ay biglang:

“Ay Romina, wag yung tinapa. Favorite ko kasi ‘yan eh. Alam mo hindi ako nakakatulog talaga kapag hindi ako nakakakain ng tinapa sa gabi.”

“Ah okay Mama.” Ibinaling ni Romina ang atensiyon niya sa itlog na maalat.

“Ay Romina huwag din ang itlog. Alam mo kasi hindi ako natutunawan kapag hindi ako nakakakain ng itlog na maalat sa gabi kaya naman ibalato mo nalang sa akin iyan.”

“O sige po Mama. Ito nalang danggit.”

Nakita ni Romina na umasim ang mukha ni Mama pagkatapos ay bumulong ito sa sarili na rinig pati ng mga nag-iinuman sa kanto.

“Ano ba naman ‘yan. Danggit na nga lang ang nagpapasaya sa buhay ko kukunin pa,” mahinang bulong ni Mama Rene na rinig hanggang baranggay outpost.

Hindi naman manhid si Romina para hindi makahalata. Sa ikinikilos ni Mama Rene ay malinaw pa sa sikat ng araw kung ano talaga ang saloobin nito. Obvious na obvious iyon para kay Romina.

“Mama naglilihi ka ba?” ang matalinong tanong ni Romina.



Kinabukasan…



“Romina this is it!” kinakabahang anunsiyo ni Mama Rene. Nakatayo sila sa tapat ng isang malaking mansiyon kung saan makikilala ni Romina ang kaibigan ni Mama Rene na nakapangasawa ng matandang mayaman. Nang malaman kasi ni Mama Rene na ang sadya ni Romina sa Maynila ay ang maghanap ng mayamang mapapangasawa na may mabangong apilyedo at ang makapanood ng taping ng Lotlot and Friends, gumana ang pagka Vicky Morales ala Wish Ko Lang ni Mama Rene. Hindi na matutupad  ni Mama Rene ang wish ni Romina na mapanood ng live ang Lotlot and Friends dahil matagal nang walang kaibigan si Lotlot del Leon. Pero ang mas simpleng pangarap ni Romina na makapag-asawa ng mayaman ay kayang-kaya na ng powers ng bakla.

Sinipat ng maigi ni Mama Rene ang kanyang kaibigan. Napangiti siya. May ibubuga naman si Romina kung pagandahan at pagandahan ang usapan. Basta ba walang tanungan tungkol sa Multiplication Table ay nakakasigurado si Mama Rene na maiimpress kay Romina ang ka-blind date niyang baldadong Don.

Taas noong lumapit si Mama Rene sa guard na nakapwesto sa malawak na gate ng mansiyon.

“Guard nandiyan ba si Cris Aquino Yep at Bimbee Josh?”

“Opo maam,” magalang na sagot ng guwardiya. Napamulagat ng mata si Romina.

“Wow Mama! Kakilala mo si Cris at si Bimbee? Sila ba ang kakatagpuin natin?”

Nilingon ni Mama Rene si Romina. “Hindi Romina.”

“Guard pakitawag naman yung lady guard na si Bea Alonso.”

Umalis ang guard. Pagbalik niya ay may kasama na siyang matabang lady guard na may bigote at pawisan ang kili-kili.

“Hello Bea," bati ni Mama Rene. Ito nga pala si Romina siya yung sinasabi ko sa iyo.”

“Ah ikaw pala si Romina.” Nakangiting kinamayan ni Bea si Romina.

Nahihiyang napangiti si Romina. “Kayo po ba yung nakapangasawa ng mayaman? Bakit po nagta-trabaho kayo bilang lady guard?”

“Ah tama ka Romina nakapangasawa nga ako ng mayaman. Kaya lang namatay siya ng biglaan eh. Hindi pa niya nababago yung nakasulat sa last will and testament niya na sa kaibigan niyang bingi ipapamana ang lahat ng kayamanan niya. Kaya walang naiwan sa akin kundi yung pustiso at peluka niya.”

“Ay iyan po ba ang suot ninyo ngayon?” tanong ni Romina habang nakatingin sa umuugang pustiso ni Bea at habang nakikita niyang tumatabingi ang kulay magenta na wig nito.

“Ay hindi. Itong suot kung pustiso ay doon sa una kong asawa. Bale kasi pang-apat ko nang asawa si Rodolfo. Una kong asawa si Arnulfo, isa siyang kargador si pier. Pangalawa naman si Adolfo na isa namang snatcher sa Divisoria. Hay alam mo ba si Adolfo ang pinaka mahal ko sa mga naging asawa ko. Kaya lang kasi medyo tanga eh. Akalain mo ba namang dalawang kidney niya ang ibinenta para daw doble ang bayad. Ayun hindi na nakauwi ng bahay. Pangatlo ko namang naging asawa si Erwintulfo na kapatid ni Montulfo.”

“Ah okay po.” Pansin ni Romina na medyo friendly si Bea at talagang open book ang kanyang marriage life. Wala pang tatlong minuto silang nagkakakilala ay nagawa nang i-share ni Bea ang background ng mga asawa niya. Bago pa tuluyang i-share ni Bea ang sex life niya ay nagsalita na si Mama Rene.

“Uy Bea nandiyan ba si Don Henry Lopez y Zobel de Gates delas Trump?”

“Ay sayang nagkasalisi kayo. Kaalis lang ng ambulansiyang sumundo sa kanya eh. Inatake kasi si Don Henry matapos siyang aksidenteng maitulak ni Bimbee Josh ng limang beses sa hagdan.”

Nanlumo si Romina. Sa sobrang panlulumo niya ay hindi niya napigilan ang sarili na dali-daling pumasok sa loob ng mansiyon at isa-isahin ang bawat kwarto sa paghahanap kay Cris Aquino Yep upang masabuyan ito ng Red Wine na aksidenteng nakuha niya sa refrigerator ng mansyon habang sandali siyang nanonood ng Willing Willie sa living room. Sa wakas ay nagkaharap sila ni Cris Aquino Yep at Bimbee Josh.

“I know why you’re here,” nakaplaster sa mukha ni Cris Aquino Yep ang sikat na sikat niyang mongoloid smile. “You want to kill me noh?” nanunuksong sabi ni Cris. Binalingan niya ang kanyang anak na si Bimbee Josh. “Say hello Bimbee.”

Napatingin si Romina sa bata. Nakita niyang halos isang dangkal ang layo ng mga mata ni Bimbee sa isa’t-isa. Mukha siyang isang isda na kung tawagin ay matambaka.

“Hello,” nahihiyang bati ni Bimbee Josh habang umiinom ng gatas. “Mommy can I crack your head?” tanong ng bata sa ina.

“Later na Bimbee.” Sa naging sagot na iyon ni Cris ay biglang nagwala ang batang mukhang matambaka. Umikot ang mga mata nito pagkatapos ay hinila ang mga buhok…sa ilong.

“Oh Bimbee that’s bad. That’s bad Bimbee,” saway ni Cris habang kinukuha ang pepper spray mula sa kanyang bulsa. Nang hindi nagpasaway si Bimbee ay kaagad na hinilamusan ito ni Cris ng pepper spray na masaya namang dinilaan ni Bimbee.

“Favorite niya kasi ang pepper spray…bukod sa Fiesta Spaghetti,” paliwanag ni Cris. “Anyway, timely talaga ang pagpunta mo rito. Kasi yung friend ko na super yaman ay naghahanap ng maid para doon sa bahay ng daddy niya. Kung okay lang sa iyo ay ikaw na ang ire-recommend ko. Alam mo kasi yung daddy ng kaibigan ko ay naghahanap ng mapapangasawang katulong. So kung interested ka…”

“Opo interesado ako.”

Ito na ba ang simula ng pag-abot ni Romina sa kanyang mga pangarap? Isang oportunidad na ba para maiahon sa hirap ang kanyang pamilya at mapabango ang kanyang apilyedo ang kumakatok sa kanya? Hindi siya sigurado sa sagot pero nakahanda siyang sumugal.

This is it!” sabi niya sa sarili habang tinutulungan niya si Cris na i-mouth to mouth si Bimbee na nalunod sa toilet bowl.