The Witch with a Capital B and Her Unscrupulous Slave





Synopsis
Mula pagkabata kinainggitan na ng wallflower na si Rose ang kanyang stepsister na si Anna Luise. Paano ba namang hindi? Bukod sa matalino na ito ay maganda pa at may winning personality na kayang bumihag ng mga taong nakakasalamuha niya. Matatanggap sana niya ang lahat ng ito pero bakit pati ang lalaking mahal niya ay ito rin ang pinili? Hindi ito mapapalampas ni Rose. Kailangang maghiganti siya! Matapos ang ilang taon ay nagdesisyon siyang “IT’S PAYBACK TIME!” Sisirain niya ang buhay ni Anna Luise, at uumpisahan niya iyon sa pagsira sa relasyon nito at ng boyfriend. Nakahanap siya ng alipin sa katauhan ng gwapong si Marcus, isang lalaking gagawin ang lahat para sa salapi. Disguised as her personal servant, Rose exploited Marcus’ charms to seduce Anna Luise. Ngunit bakit hindi naging masaya si Rose sa tagumpay ng plano niya?




Chapter 1




“Rose, gising na,” marahang niyugyog ni aling Isay ang alaga. Nang hindi kumibo ang dalaga ay lumapit si aling Isay sa bintana at binuksan ang mga kurtina upang papasukin ang maliwanang nang sinag ng araw. Nagtaas ng mukha si Rose, kinusot niya ang kanyang mga mata mula sa pagkasilaw. Mula noong sanggol pa lamang siya ay yaya na niya si aling Isay na itinuturing na niyang pangalawang ina. At nang sampung taong-gulang siya, nang mag-asawang muli ang kanyang ama ay si aling Isay nalang ang tanging kakampi niya – ang tanging tao na nagdudugtong sa kanyang masayang pagkabata at nagpapaalala sa namayapa niyang ina.

“Nanay Isay, ayoko pang gumising. Ayoko lumabas ng kwarto ko ngayong araw na ito. I hate this day!” dramatikong reklamo ni Rose. Kinakapa niya ang magulo niyang buhok at napasimangot nang makita ang repleksyon sa salamin. Mula pagkabata ay tanggap na ni Rose na hindi siya maganda. Sa totoo lang wala siyang nakikitang maganda sa pagkatao niya. Hindi siya matalino. Hindi siya marunong sumayaw at tanging sa shower lamang siya may lakas ng loob kumanta. Siya ang tipo ng babae na hindi na binibigyan ng ikalawang tingin, kung tatapunan man ng una. Wala naming mali sa features niya, wala ding remarkable, plain kumbaga. Pero hindi sa mga mata ni aling Isay na bukod sa kanyang ina ay tanging nakakakilala sa kanya ng lubos. Katulad ng ina ni Rose si aling Isay lamang ang nakakapansin sa magandang ngiti ng dalaga, hindi kasi ugali ni Rose ang ngumiti. Si aling Isay lang din ang nakaka-unawa sa nangungusap na mga mata ng dalaga. Sa loob ni aling Isay ay naawa siya sa alaga na animo’y laging may hinahanap na hindi masumpungan, nababasa niya sa mga mata ni Rose iyon. Iyon bang parang naliligaw ang dalaga, parang laging out-of-place – kahit sa sarili nitong tahanan.

“Hinihintay ka na nila sa baba,” paalala ni aling Isay.

“Sabihin mo may sakit ako. Sabihin mo may tigdas ako o kaya may bulutong, basta mag-isip nalang kayo ng nakakahawang sakit. O kaya naman sabihin ninyo may beke ako.” Tumawa ng mahina si Aling Isay pagkatapos ay tumayo at kumuha ng damit sa cabinet.

“Hindi na uubra yan Rose. Hindi pwedeng hindi ka magpakita man lang, birthday ngayon ng kapatid mo.” Umikot ang mga mata ni Rose nang marinig niya ang salitang kapatid. Kapatid? Well technically magkapatid nga sila ni Anna Luise dahil sa mag-asawa na ang kanilang mga magulang. Hindi niya makakalimutan ang araw na tumapak sa kanilang bahay si Anna Luise at ang mama niya. Excited si Rose noon. Sa wakas magkakaroon siya ng bagong mama at may bonus pa na kapatid. Sabik siyang magkaroon ng kapatid at natupad naman ang wish niyang iyon – sa katauhan ni Anna Luise. Magkasing-edad lang sila, parehong sampung taong gulang pero napakalaki ng pagkakaiba nila. Sapagkat si Anna Luise ay mistulang isang manika – maganda, eleganteng manamit sa kabila ng kamusmusan at taglay ang magandang asal na estranghero para kay Rose. Nakalulugod sa pandinig ang tinig ni Anna Luise at para siyang nagsasayaw kung gumalaw. Noong una’y namangha si Rose sa kanyang bagong kapatid. Natuwa siya dahil mayroon siyang maipagmamalaking kapatid na bukod sa maganda ay mabait pa. Pero nang kalaunan ay mas lalong lumawak ang pagkakaiba nila. Habang patuloy sa pag-ganda si Anna Luise ay napagiwanan siya. Pinilit niyang huwag pansinin iyon pero hindi siya pinayagan ng mga tao sa paligid nila na kalimutan ang kakulangan niya at ang kalabisan ni Anna Luise. Habang lalo silang pinagkukumpara ay lalong nagtago si Rose sa kanyang shell.

“O sige na bababa na ako. Sabay na tayo kumain,” pakiusap niya sa matanda. Si aling Isay ay itinuturing na ring kapamilya ng mga magulang ni Rose kaya naman kasalo nila ito sa pagkain.

“Mamalengke ako. Sige na magbihis ka na at masamang pinaghihintay ang pagkain.”

Ngayon ang ika labing-walong kaarawan ni Anna Luise. Isa na namang okasyon kung saan aangat ang kagandahan nito. Isa rin itong pagkakataon upang muling ibantad ang pagkakaiba nila. Muli mananatili siya sa anino ng step-sister. Pagbaba niya sa hagdan ay rinig na rinig na niya ang masayang halakhakan sa kumedor. Masayang nagpaplano ang mag-ina para sa debut ni Anna Luise.

“Good morning Rose.” Sabay na bati ni Anna Luise at Felicity. Si Felicity ang ina ni Anna Luise na naging ina na rin ni Rose. Sa totoo lang walang reklamo si Rose sa kanyang mommy. Mabait naman ito sa kanya at nararamdaman niyang lubos ang pagtanggap nito sa kanya. Ngunit kahit na gaano kabait ito sa kanya, kahit pa sabihing natutunan na siya nitong mahalin, iba pa rin ang pagtingin nito sa sariling anak, tanggap ni Rose iyon. Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit nararamdaman niyang mas kinikilingan ng kanyang daddy si Anna Luise samantalang siya ang tunay na anak nito. Tiningnan niya si Anna Luise habang umiinom ito ng orange juice. Pati ba naman sa pag-inom ng juice ay banaag pa rin ang kagandahan nito? Kumuha siya ng ham, longganisa, hotdog, tapa at sandamukal na fried rice.

“Rose hinay-hinay sa pagkain. Tataba ka niyan,” nakangiting paalala ni Felicity sa kanyang stepdaughter. Nasilaw si Rose sa kagandahan ng stepmother.

“Mommy hayaan mo na. Alam mo itong si Rose nakaka-inggit ito kasi kahit na madami siyang kumakain ay hindi siya tumataba. Hindi katulad ko, kahit na nagda-diet ay tumataba pa rin.” Nakangiti ng buong tamis si Anna Luise kay Rose, inilagay pa niya ang kanyang kamay sa braso ni Rose. Ginantihan din siya ni Rose ng ngiti, pilit na ngiti. Sinipat ni Rose ang stepsister sa gilid ng kanyang mata. Alam niyang nagiging mabait lang ito sa kanya nang sabihin nitong naiingit ito sa kanya. Sa totoo lang napaka ganda ng hubog ng katawan ni Anna Luise, kaya naman kinababaliwan ito ng mga kalalakihan sa kanilang university. Si Rose naman ay kailangang mamiling maigi ng damit upang maitago ang lumalaki na niyang baywang, at nakaka kungkot na konti lang ang choices niya pagdating sa damit na babagay sa kanya. Madalas tuloy ay nauuwi siya sa patung-patong na t-shirt at jacket.

“Mommy napadala na ba lahat ng invitations? ‘Yung flowers nadeliver na ba? Paano ‘yung cake, sinunod ba nila ‘yung sinabi ko? Mommy yung gowns nga pala na alter na?” sunud-sunod na tanong ni Anna Luise kay Felicity.

“Huwag kang mag-alala my baby, mommy is taking care of everything,” pinisil pa ni Felicity ang pisngi ng anak pagkatapos ay binigyan ng halik.

“Siyanga pala Rose, imbitahan mo rin ang mga kaibigan mo,” bumaling si Felicity kay Rose.

“Oo nga sila, ano nga yung name nila? Si Gina and Trinity ba ‘yun?” excited na tanong ni Anna Luise.

“Wala akong kaibigang Gina at Trinity…” matabang na sagot ni Rose.

“Iyong girl na medyo chubby at saka yung naka-shades lagi?”

“Si George at si Charice iyon.”

“Right. Sila nga. Imbitahan mo sila ha. Sabihin mo magtatampo ako kapag hindi sila pumunta.” Kung paanong magtatampo si Anna Luise kapag hindi pumunta ang mga kapwa outcast ng stepsister ay hindi alam ni Rose.

“Sige” nalang ang matipid niyang sinagot.

“By the way, mom nasaan si daddy?” tanong ni Anna Luise sa ina. Hanggang ngayon ay palaisipan kay Rose kung paanong nagawa ni Anna Luise na mapalapit ng mabilis sa kanyang stepfather. Si Rose ay hanggang ngayon hindi masanay sa pagtawag ng mommy kay Felicity. Kahit na anong pagsusumikap niya, at kahit na anong effort ang ibigay ni Felicity ay parang hindi pa rin mawala-wala ang invisible barrier sa pagitan nila ng stepdaughter.

“He left early. Hindi na siya nagbreakfast sa office nalang daw. Makikipgakita kasi siya sa bago niyang nililigawan na investor. Importante daw ang investor na ito na ayon sa kanya ay ubod ng yaman.”

“Ah talaga? Well I have to go mom.” Walang interes si Anna Luise sa negosyo. Tumayo siya at hinalikan ang ina sa pisngi. Pagkatapos niyon ay nilapitan niya si Rose ay dinikit ang pisngi sa kapatid.

“Bye sis.” Nagmamadali siyang lumabas. Makalipas ang ilang saglit muli siyang sumilip sa entrance ng kumedor.

“Rose gusto mo bang sumabay sa akin?” nakangiting tanong niya. Tiningnan siya ni Rose. Naalala niya na may kotse na nga pala si Anna Luise, regalo ng parents nila. Gusto rin siyang regaluhan noon ng kanyang papa ng sasakyan ngunit hindi siya matuto mag-drive at parang ang OA naman kung magkakaroon pa siya ng driver. Kaya naman tumanggi siya.

“Sige mauna ka na. Sasabay ako kina Charice at George.”

“Okay. Bye mom, by sis.” Kumaway si Felicity. Nagpanggap si Rose na hindi narinig ang pagpapaalam ni Anna Luise. Namayani ang katahimikan sa kumedor. Maya-maya pa ay tumingin si Felicity sa kanyang relo.

“Oh my gosh I need to go.” Lumapit siya para halikan si Rose sa pisngi. “Bye Rose. Umuwi kayo ng maaga ha. Huwag nang maglakwatsa.”

“Okay, bye…tita.” Hindi na siya nilingon ng nagmamadaling si Felicity. Matahimik niyang ipinagpatuloy ang kanyang pagkain. Ganito ang gusto niya – katahimikan. Makalipas ang dalawampung minuto ay narinig niya ang busina ng sasakyan ni George, isang bugbog saradong puting fifth generation Toyota Corolla. Lumabas si Rose sa gate pagkatapos ay lumapit sa mukhang pagod na pagod na sasakyan na nagbabakbak na ang pintura. Nakadungaw sa permanente nang nakababang bintana ang matabang si George. Natawa si Rose ng maalala ang description ni Anna Luise kay George dahil hindi ito basta “medyo chubby” lang. Bilog na bilog ang mukha nito at mabilis itong hingalin. Ganun pa man, isa ito sa mga pinaka mabait na tao na nakilala ni Rose kaya mahal niya ito. Nasa passenger seat naman si Charice na ngayon ay naninigarilyo. Si Charice ay isang emo na nagpapanggap na may sixth sense. Itim na itim ang palibot ng mga mata nito at kulay itim din ang mga labi. Kahit na mukhang adik si Charice at may malaking karatulang may nakasulat na “Weirdo” sa noo nito ay hinahangaan ni Rose ang pagiging walang pakialam nito. Wala siyang pakialam kung gusto ba siya o hindi ng mga tao sa paligid niya.

“Kaninong kotse yung nakasalubong namin? Ang astig ah.” Tuloy lang sa paghithit si Charice ng sigarilyo habang binabagtas nila ang daan.

“Kay Anna Luise.”

“Wow may kotse na siya?” kainggit naman excited na bulalas ni George.

“Georgina may kotse ka naman ah. Bat ka maiinggit?” tanong ni Rose.

“Eh kasi ‘yung kay Anna Luise bagong-bago ito namang kotse ni George bagong hukay sa lupa. Diyos ko George parang kasama ito sa mga itinagong kayamanan ni Yamashita noong World War 2 eh.”

“Sobra ka naman Charice. Buti nga may nasasakyan pa tayo eh,” may tampo sa tinig ni George.

“Eh bakit ikaw wala kang bagong kotse Rose? ‘Di ba 18 ka na rin? Ano to favoritism?” Walang prenong tanong ni Charice.

“Hindi ako marunong magdrive eh.”

“Sus ito ngang si George color blind e. Pero tingnan mo naman wala pang napapatay,” nakatawang panunudyo ni Charice sa kaibigan.

“Naku hayaan mo na nga Charice. Ayoko magkaroon ng kotse okay.”

“Okay. Ang init naman ng ulo mo.” Itinaas pa ni Charice ang mga kamay niya bilang pagsuko.

“Sorry.” Tumahimik sila.

“Nga pala invited kayo sa debut ni Anna Luise.”

“Wow.” Bakas ang pagkatuwa sa mukha ni George.

“Pwede bang maglasing doon. Kung pwede pupunta ako.”

“Bat naman kailangan mo pang maglasing sa debut ni Anna Luise? Para namang hindi mo ginagawang kape ang gin Charice.”

“Haha. Nakakatawa.”


*****************************************************************************************


Pagdating sa school ay nakasabay pa ng kotse ni George sa pagpasok ang magarang sasakyan ni Alexis, ang campus heartthrob. Si Alexis na isang varisty basketball player ay ang pantasya ng kababaihan sa campus, kasama na si Rose doon. Mula elementary ay ka-eskuwela na niya ito. Para kay Rose isang senyales iyon na may patutunguhan sila. Pero hindi nakikita ni Alexis ang senyales na iyon, maski si Rose hindi rin nakikita. ng lalaki Nagkatabi ang mga sasakyan ni George at ni Alexis. Mabilis na bumaba si Rose upang magpapansin kay Alexis. Hindi siya nagtagumpay, dinaanan lang siya nito.

“Wow Rose basag na basag ka ah,” pagbibiro ni Charice.

“Sorry ka hindi mo nakita nginitian niya ako.”

“Weh.”

Nakita nila sa di kalayuan ang professor nila sa kanilang unang subject.

“Hoy George bilisan mo. Nandiyan na si Sir Everlasting.” Natatawang sigaw ni Charice. Natawa din si Rose. Everlasting ang tawag nila kay Mr. Mercado dahil sa sobrang katandaan nito. Ayon kay Charice, na siyang nagbansag dito, ay para itong naliligaw na kaluluwang napag-iwanan na ng panahon.

Habang humihingal silang tumatakbo papunta sa kanilang classroom ay nadaanan nila ang tambayan ni Anna Luise at ng mga kaibigan nito. Closely-knit ang circle ni Anna Luise na binubuo ng mga popular students ng campus na puro mga magaganda (at gwapo) at mayayaman. Nakita ni Rose na masayang nagkukwentuhan si Alexis at si Anna Luise, sa paligid nila ang iba pa nilang mga kaibigan. Naiingit siya sa kanyang stepsister na nagagawang mapalapit sa lalaking matagal na niyang minamahal.

“Hoy Rose ano ba? Bilisan mo!” naiiritang sigaw ni Charice na ngayon ay malayo na.






***************************************************************************************** 
Chapter 2






Kahit na taimtim na nanalangin si Rose na hindi matuloy ang debut ni Anna Luise ay patuloy na umusad ang oras. Ngayon ay nakatayo na siya sa harap ng salamin sa kanyang kwarto. Inayusan siya ni nanay Isay. Nag-improve naman ang itsura niya kahit papaano ngunit hindi ito napansin ni Rose. Ang nakikita niya ngayon ay ang malaking pimple na nakikipagtitigan sa kanya habang pumipintig ito sa kanyang ilong. Walang nagawa ang pink niyang gown para ma-uplift ang spirits niya. Hindi rin siya masaya na may tiara siya sa ulo at ginawang alun-alon ang buhok niya. Nangangati siya sa make-up niya at saludo siya sa kanyang mga sapatos sa galing nila sa pagpaparusa sa mga binti niya.

Naririnig na niya ang masayang tawanan sa bulwagan. Naaamoy na niya ang halimuyak ng mga imported na bulaklak na inorder ni Felicity para sa debut ng anak. At nakikini-kinita na niya ang itsura ng stepsister. Natural maganda ito at elegante, kumikinang na parang isang anghel. Muli siyang tumingin sa salamin.

“This is it Rose. Try not to be noticed nalang like what you always do.”

Wala ngang nakapansin sa pagdating niya sa hall. Tahimik siyang humanap ng nakatagong spot upang doon palipasin ang buong gabi. Kung dumating lang sana ang kanyang mga kaibigan ay hindi siya magiging ganito ka out of place. Pero wala siyang magagawa, nagkasakit ang alagang Pekingese ni George kaya isinugod niya ito sa beterinaryo. Si Charice naman ay pinagbantay sa kanilang secondhand bookstore slash coffee shop. Kaya ito siya, nagiisa tulad ng dati. At tulad din ng dati, nakahanap siya ng kakampi sa mga nakalatag na pagkain. Iniukol na lamang niya ang kanyang sarili sa pagkain. Bilang isang dalagang mapangarapin, nangangarap siya na ang mapapangasawa niya ay isang lalaking magaling tumugtog ng piano. Kaya naman ganoon nalang ang paghanga niya sa mama na tumutugtog ng piano sa orkestrang inupahan ni tita Felicity. Sa sobrang paghanga niya ay naubo siya – may pumasok yatang lamok (huwag naman sanang langaw, kahit na nakapa ng dila niyang medyo malaki ito) sa bibig niyang kanina pa nakanganga. Maya maya pa ay bumaba na ang debutante mula sa malawak na hagdanan, na napapalamutian ng mga bulaklak at nilatagan ng red carpet. Napanganga ang lahat sa kagandahan ng nakangiting si Anna Luise. Maganda ang bagsak ng kanyang strapless pink gown na yumayakap sa kanyang katawan. Napapalamutian ng mga kumikinang na bagay at mga bulaklak ang buhok ni Anna Luise at pumapalibot sa kanya ang bango ng iba’t-ibang bulaklak.

Nakangiti nitong nilapitan ang kanyang mga bisita at binati, kitang-kita ni Rose ang kagandan ng asal ng kanyang stepsister na madaling nabibihag ang kalooban ng sino man. May kakaibang aura si Anna Luise na nagbibigay ng magandang pakiramdam sa mga taong nakakakita sa kanya. Kaya naman madaling mahulog ang loob sa kanya ng mga tao. Larawan ng saya at pride ang mga magulang nila. Naririnig pa ni Rose kung paanong ibinibida ni Felicity ang anak at kung paanong ang mga kalalakihang kausap ng ama ay labis-labis ang papuri dito. Sa isang banda ay kuntento na si Rose sa ganito – malayo sa paningin ng karamihan. Ngunit sa loob loob niya ay naiinggit siya kay Anna Luise. Bakit na kay Anna Luise na ang lahat? Kagandahan ng mukha at ng ugali, katalinuhan at mga taong nagmamahal. Bakit si Rose pinagkaitan ng mga bagay na ito. Naalala ni Rose ang kanyang simpleng debut tatlong buwan na ang nakararaan. Nag-offer ang kanilang mga magulang na magbigay ng engrandeng party para sa kanya. Pero tinanggihan niya ito. Ano bang inam ng engrandeng kasiyahan kung wala namang dadalo? Wala naman siyang ganoon karaming kaibigan. Sa halip nagkaroon nalang sila ng simpleng salu-salo sa bahay at pagkatapos ay nag barbeque at nagbonfire sila sa bakuran nina Charice. Naging masaya naman kahit papaano ang birthday niya dahil sa mga horror stories ni Charice at sa mga nakakatawang experiences ni George noong nasa kindergarten pa ito. Noong debut niya walang mataas na tiered cakes. Wala ding fountains at walang orchestra. Walang 18 candles, 18 roses, o 18 treasures. At higit sa lahat wala si Alexis doon. Napako ang tingin niya sa pagpasok ni Alexis. Napakagwapo niya sa kanyang formal outfit. Nakangiti siyang lumapit sa debutante bitbit ang isang boquet ng bulaklak at ang kanyang regalo. Nagwish si Rose na sana ay sa kanya iniuukol ni Alexis ang mga ngiting iyon. Kumikirot ang puso niya nang pagmasdan niyang naglalakad na magkahawak ang kamay ng dalawa. Hanggang ngayon ay umaasa pa siya na makamit ang minimithing lalaki. Alam niyang kaibigan lang ang turing ni Anna Luise kay Alexis. Maraming masugid na manliligaw ang stepsister niya pero hindi niya nababalitaan na kabilang si Alexis doon. Nagsimula na ang sayawan. Tumayo siya sa kanyang pwesto – sa likod ng mga halaman at bulaklak. Sa kublihan niyang ito ay natatanaw niya ang kabuuan ng bulwagan. Tumitindi ang sakit sa dibdib niya sa tuwing makikita niya ang pagikot nina Anna Luise at Alexis sa dancefloor. Sa malalagkit na tinginan nila ay parang tinatarakan ng patalim ang puso ni Rose at nangingilid ang luha niya sa tuwing makikita niyang ngumingiti ang dalawa sa isa’t-isa. Kailangang gumawa siya ng paraan. Kailangang kumilos na siya. Kailangang ipagtapat na niya sa lalaki na iniibig niya ito bago pa ito makuha ng iba.

Sinikap niyang mapalapit sa lalaki. Nagkaroon siya ng pagkakataon ng sandaling sumama si Anna Luise sa ina upang ipakilala siya sa kanyang mga amiga.

“Hi Alexis.” Lumingon ito sa kanya. Bakas sa mukha nito na hindi siya nito nakikilala.

“Oh hi. How are you?” magalang na tanong ng lalaki.

“Oh I’m fine. Are you enjoying yourself?”

“Yes. Excuse me.” Aktong aalis na sana si Alexis upang lapitan ang ibang mga kaibigan.

“Gusto mo i-tour kita sa bahay namin?”

“Ha? Oh yeah. Kapatid ka ni Anna Luise diba?” Ngayon lang iyon naalala ng binata. Ngumiti ito sa kanya.

“Stepsister ko si siya.”

“Right. Ano nga yung tinatanong mo?”

“Kung gusto mo bang itour kita sa bahay namin. Mukhang busy pa naman si Anna Luise eh.”

“Ha?” Nagatubili ang binata.

“Sige na please,” may kakaiba sa mga mata ni Rose na nakapagpapayag sa lalaki.

“Okay. Bilisan lang natin ha.” Naging mabilis nga sila dahil sa garden lang naman ang planong destinasyin ni Rose. Naglakad sila. Mabagal na sumusunod sa kanya ang binata na para bang nababagot.

“Alam mo mula preschool schoolmates na tayo.”

“Ah talaga.” Obvious na hindi iyon napapansin ni Alexis.

“Oo. Mas matagal pa nga tayong magkakilala kaysa kay Anna Luise eh.” Hindi sumagot ang lalaki na ngayon ay nasa iniwanan nilang party ang tingin.

“I’m really sorry I need to go.” Hindi sumuko si Rose.

“Mahal kita!” Pahabol na sigaw nito sa lalaki. Huminto ito ngunit hindi humarap sa kanya.

“Mula noong nasa preschool palang tayo gusto na kita. Alexis mahal na mahal kita. Kahit hindi mo ako napapansin sana bigyan mo ako ng pagkakataon na mahalin ka…Please.” Wala sa plano niya na magmakaawa, magpakababa. Pero anong magagawa niya talagang mahal niya ang lalaki. Humarap ito sa kanya.

“Mula preschool may gusto ka na sa akin?” natatawang tanong nito sa kanya.

“Oo,” pumasok ang pagkapahiya sa pagkatao ni Rose ng makita niya ang ngiti ng binata na nakapapanliit.

“Ang weird mo.” Umalingawngaw sa tainga niya ang mga salitang binitiwan ni Alexis. Hindi siya nakapagsalita. Nanatili siyang nakatayo at nakatingin sa binata. Hindi makapaniwala sa narinig niya.

“Hindi kita kilala. Ngayon nga lang kita nakita eh. Hindi ko maalala na naging classmate o schoolmate kita. Ang alam ko kapatid ka ni Anna Luise pero…”

“Mahal kita” mahinang sambit niya. Tumahimik ang lalaki. Nanatili silang tahimik sa loob ng ilang sandal.

“Mahal mo ako. Okay. Anong gusto mong mangyari?” Parang patalim na naman na tumarak sa puso ni Rose ang mga salita ng lalaki. Napakadali para sa kanya na isantabi ang nararamdaman ni Rose na ngayon ay labis-labis na ang awa sa sarili.

“Wala,” nahihiyang sagot niya. Mas nahihiya siya sa kanyang sarili kaysa sa lalaki.

“Then don’t waste my time!” iritadong bulyaw ng lalaki na nakapagpapikit kay Rose. Tumulo na ang luha niya. Nagkalad papalayo ang lalaki. Nakita niyang sinalubong ito ni Anna Luise. Ang sugatan niyang puso ay tuluyong nagkawatak-watak ng makita niyang naghalikan ang dalawa. Matagal, puno ng passion. Nakita niyang tumingin sa direksyon niya si Anna Luise. Nakangiti ito. Tama ba ang nakikita niya? Nanunudyo ba ang ngiti nito? Tama ba ang nakita niya na tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa at umakyat ulit sa mukha niya? Namamalikmata ba siya ng makita niyang umismid ito at pagkatapos ay niyakap si Alexis sabay ang nakaka lokong tawa?

Bago para kay Rose ang nasaksihan niyang pag-uugali ni Anna Luise. Pansamantalang natabunan iyon ng sakit na nadarama niya. Nabasted siya! Ang sakit ng pakiramdam, parang mamamatay siya sa sakit. Maraming taon niyang inalagaan ang pagmamahal kay Alexis. Maraming taon siyang nangarap na makita niya itong nakangiti sa kanya sa bawat araw. Maraming taon siyang nangarap na maihilig ang ulo niya sa balikat nito. Maraming taon siyang nanaginip na kayakap at kahalik ito. Sa ganito lang pala matatapos ang maraming taon niyang iniukol sa pagibig niya sa binata. Ang sakit. Ang saklap. Umupo siya at lumuha ng anong pait habang tuloy ang kasiyahan sa loob ng bahay. Ni walang nakapansin sa pagkawala niya. Ni walang nakakakita sa pagdurusa niya ngayon. Naawa siya sa kanyang sarili. Narinig niyang may lumapit pero wala siyang gana na tingnan kung sino. Inabutan siya ng panyo na kaagad naman niyang inapuhap at pagkatapos ay ginamit na pamunas sa tumutulong luha at sipon.



*****************************************************************************************


Natapos ang debut ni Anna Luise sa isang nakakahiyang eksena. Eksenang kinatatampukan ni Rose, ni Anna Luise at ni Alexis. Larawan ng lubos na kasiyahan ang buong bulwagan. Ang lahat ay masayang masaya sa panonood sa magandang binibini na ngayon ay nakikipagsayaw sa isang gwapong binata. Walang anu-ano ay lumapit si Rose, parang isang gate crasher na evil witch. Tangan niya ang isang sumpang panghahawakan niya ng matagal na panahon. Tangan din niya ang panyong hindi niya ibinalik sa taong nagpahiram sa kanya. Isinaboy niya ang red wine sa hawak niyang baso kay Anna Luise. Pagkatapos ay sinampal sabay tinuhod ang pagitan ng mga hita ni Alexis. Pinakawalan niya sa kanyang puso at isipan ang isang sumpa – na kahit na anong mangyari ay gaganti siya. Sisirain niya ang dalawang kontrabida sa buhay niya. Doon isinilang, lingid sa kaalaman ng lahat, si Rose ang mapaghiganting bruha.



*****************************************************************************************


Mula nang gabing iyon nagbago na si Rose. Ginamit niya ang galit na nararamdaman niya upang baguhin ang sarili niya. Kung gusto nila ng gyera, pagbibigyan niya sila. Natuto siyang magayos ng sarili niya. Hindi niya akalain na kaya rin niyang maging maganda. Masugid siyang nagresearch ng mga babagay na damit, tamang paglalagay ng make-up, tamang paglalakad at tamang pagsasalita upang kahit papaano ay may mainpantapat siya sa kanyang stepsister. Hindi man niya naabot nang husto ang nais niya, naging masaya naman siya sa pagbabago niya. Natutunan niyang makibagay sa ibang tao – kung pupunta siya sa gyera hindi niya kakayaning mag-isa. Kailangang gumamit siya ng ibang tao. Nagtagumpay siyang maging isang celebrated beauty sa campus na may winning personality. Sa tulong ng kanyang pagiging friendly at sa paghuli sa kiliti ng mga importanteng tao sa campus ay narating niya ang tuktok ng campus ladder. Nang nakaipon na siya ng sapat na lakas ay hinarap naman niya si Anna Luise. Gamit ang mga sekretong nakalkal niya tungkol sa mga miyembro ng grupo ni Anna Luise nagawa niyang sirain ang samahan ng mga ito. Gamit ang bago niyang ganda nagawa niyang bulagin ang ilan sa mga manliligaw ni Anna Luise. Hindi niya akalain na kaya din pala niyang mag-exel academically. Ginamit niyang motivation ang galit niya kay Anna Luise. Dahil sa matinding pagsusumikap at gamit ang iba’t-ibang taktika sa pagkuha ng loob ng kanyang mga professors ay nakapagtapos siya bilang Cum Laude. Naging masaya na siya sa scholastic achievement niya pero hindi pa rin niya nagawang talunin si Anna Luise. Habang patuloy na nagiging matibay ang relasyon ni Anna Luise at Alexis ay nagpapalit-palit naman ng boyfriends si Rose. Hindi siya naging masaya sa mga immature na mga lalaki na ito na walang inisip kundi ang ego nila. Dinispatya nila sila ng mabilis, magiging sagabal lang sila sa plano ni Rose. Walang interes niyang inilibing sa isang kahon ang mga natanggap na loveletters. Probabaly one of those losers lurking inside the campus, she was tired of them all, boys. At bakit niya sisiputin ang isi-net na blind date para sa kanya ng kanyang daddy, when she knew very well that he was only doing that because he pitied her? She stood her date up, what ever his name was. 



*****************************************************************************************



After graduating from college she did not work in her father’s company. Gusto niyang gumawa ng sarili niyang career path. At isa pa, wala doon si Anna Luise. Nagdesisyon si Anna Luise na imanage ang flower shop business ng kanyang ina. Si Rose naman ay pumasok sa isang malaking cosmetic company, sa PlumRose. Una siyang inilagay sa HR department bilang HR staff. Dahil sa galing niya sa trabaho at sa pagsusumikap naging HR Manager siya makalipas ang isang taon. But she was too ruthless para sa posisyong iyon. Dinala siya sa Marketing department. Doon buong laya niyang maisasagawa ang devious plans niya. She possesses the business mien of a remorseless Taipan. And now she’s up for a promotion. Mahigpit niyang kalaban ang mga taong sa kumpanya na ginugol ang buhay nila sa posiyon bilang Vice President for Marketing. She was outnumbered – lahat ng kalaban niya ay pawang mga lalaki. She was clearly the underdog. But she’ll think of a plan, she’ll turn the tide, fairly or otherwise. She preferred “otherwise”, since those pigs play dirty.

“You know what they say Rose, if you want to slaughter pigs, prepare to get dirty.” Naningkit ang mga mata ni Rose habang tinitingnan niya ang mga katunggali with their annoying smug smiles.






*****************************************************************************************
Chapter 3





Nagkaroon ng emergency meeting dahil sa nalalapit na paglipat ng pamamahala ng kumpanya sa anak ng may-ari. Kailangang ihanda nila lahat ng reports para maging madali ang nasabing paglilipat. Hindi pa nakikilala ni Rose ang bago nilang President and CEO. Kakauwi lang daw nito mula sa Amerika. Pagbalik ni Rose sa kanyang opisina ay nagulat siya sa natagpuan niya – isang laksa ng mga bulaklak. Tinawag niya ang sekretarya niya.

“Ellaine bakit ang daming bulaklak dito? Saan nanggaling ang mga ito?” nakapamaywang si Rose, hindi siya mahilig sa bulaklak at isa pa, sino naman ang magbibigay sa kanya ng bulaklak, wala siyang manliligaw.

“Miss Santillan, hindi ko alam kung kanino galing. May kasama naman siyang note” itinuro ni Ellaine ang isang maliit na envelope. Nilapitan ito ni Rose at binasa.

“I miss you….from Francis.” Kumunot ang noo ni Rose.

“Ellaine may kilala ka bang Francis?”

Nagulat si Ellaine sa tanong ni Rose. “Ha..e…wala po…”

“Sinong Francis naman ito?” tanong ni Rose sa kanyang sarili.

“Ellaine ilabas mo na nga ang mga bulaklak na iyan…Wala akong kilalang Francis.”

“Okay po Maam Rose.” Tatalikod na sana si Ellaine pero may naalala siya.

“Eh paano po ‘yung mga chocolates na kasama ng mga bulaklak? Itatapon ko na rin po ba?

“Ha? May chocolates?! Nasaan?” hindi alam ni Ellaine kung paano pipigilan ang tawa niya. Sa tatlong taon na pagtatrabaho niya bilang assistant ni Rose ay kilala niya ito na mahilig sa pagkain, lalo na sa matatamis. At si Rose ang tipo ng babae na hindi tumatanggi sa chocolates.

“Ayun Miss Rose.” Inginuso ni Ellaine ang isang kumpol ng mga kahon.

Parang namagnetiko si Rose ng mga ito, dali-dali niyang sinagpang ang mga kahon.

“Ohmigosh Ellaine, I’m in chocolate heaven!” hawak ni Rose ang isang kulay pilak na kahon na may laso. Hindi sigurado si Ellaine pero parang may nakita siyang luhang pumatak mula sa kaliwang mata ni Rose.

“Drama na ‘to?” sa loob-loob ni Ellaine.

“Ellaine alam mo ba kung ano ito?!” hindi hinintay ni Rose na sabihin ni Ellaine na “hindi”.

“Ito lang naman ang “La Madeline au Truffe”! Ang PINAKA mahal na chocolate sa buong mundo!”

“Yep luha nga iyon,” sigurado na si Ellaine. Dinampot din ni Rose ang iba pang mga kahon na isa-isa niyang pinakilala kay Ellaine.

“Ito Ellaine Delafee, ito naman ang G collection ng Godiva, Vosges Haut Chocolat…”

“Blah, blah, blah” hindi na nakakasunod si Ellaine.

“Sino si Francis?” tanong ni Rose sa sarili pagkalabas ni Ellaine. “Well kung sino man siya love ko na siya,” wala sa loob na usal ni Rose habang nakatitig sa mga chocolates na pinadala ni Francis, na pinadala ng langit upang tugunan ang pagnanasa niya sa tsokolate.



*****************************************************************************************


Gabi na ng makalabas ng opisina si Rose. Pumunta siya sa parking lot. Naalala niyang sinisante niya kanina lang ang driver niya matapos niya itong mahuli na naglalasing sa katanghaliang tapat.

“Sheesh!” iritableng bulalas niya. Bumalik siya sa building nila upang hanapin ang company driver ngunit wala ito. Sinubukan niyang tawagan ang kaibigang si Charice, answering machine ang sumagot sa kanya. Wala siyang nagawa kundi maghintay ng taxi sa gilid ng daan. Agawan ang mga taong naghihitay ng taxi, umiinit na ang ulo ni Rose. Lumakad siya palayo sa kumpol ng mga tao.

“Kung sinuswerte ka nga naman, dito pa kita nakita Rose.” Lumingon si Rose upang makita ang pinanggalingan ng boses – si Anthony. Isa sa mga karibal niya sa posisyon. Mabilis niyang napabagsak si Anthony matapos niyang mahuli at makuhanan ito ng litrato habang kasama ang sekretarya niya sa loob ng isang cubicle sa restroom ng mga babae. Hindi naman inilabas ni Rose ang mga larawan – ayaw niya ng drama, parehong may pamilya ang mga taong involved. Tinakot lang niya na ibubunyag niya ang ginawa ng lalaki kapag hindi ito umatras. Pero naging matapang si Anthony, naging matigas ang ulo kaya naman wala siyang nagawa kundi ilabas ang larawan nito. Ayaw nang idamay ni Rose ang kawawang sekretarya kaya blurred ang mukha nito sa mga larawan. Hindi nagustuhan ng top management ang eskandalong kinasangkutan ni Anthony. He was fired.

“O anong ginagawa mo dito?” mataray na tanong ni Rose.

“Dahil sa iyo nasira ang buhay ko!” paratang ng lalaki.

“Ah talaga? Dahil ba sa akin o dahil sa iyo? It was your indiscretion that destroyed you.”

“Sinira mo ang career ko!”

With nonchalance she spoke: “You had a very strong deathwish Anthony. I warned you. Pero anong ginawa mo? Hinamon mo pa ako..”

“Parang masaya ka pa sa ginawa mo?!”

“You got what you deserved Anthony. Kung masaya man ako o hindi wala ka ng pakialam doon.” Nakahalukipkip niyang tiningnan mula ulo hanggang paa si Anthony pagkatapos ay tumawa.

“I’d like to stay and chat, but not with you. I’d rather talk to a lamp post” sarcastic ang ngiting pinakawalan ni Rose. “Goodbye.” Hindi siya nakalayo dahil marahas na hinawakan ni Anthony ang braso niya. Napapikit si Rose sa sakit.

“I’ll give you a piece of my mind!” Anthony hissed.

“Please Anthony don’t, wala ng matitira para sa iyo pag nagkataon.”

“You little – !“

“Bitiwan mo ako!” Natakot si Rose sa nanlilisik na mata ni Anthony. Hinampas niya ito ng bag pagkatapos ay tumakbo. Sumuot siya sa isang iskinita. Habang tumatakbo siya ay napansin niyang hindi lamang si Anthony ang humahabol sa kanya. May mga kasama ito, mga nakakatakot na lalaki. Lumagos siya sa isang walang katao-taong kalsada. Walang paglingon siyang tumakbo. Naririnig niya ang sigaw ni Anthony.

“Pagsisisihan mo ang ginawa mo sa akin Rose. Magbabayad ka!”

“Ang kapal ng mukha mo!” Hinubad niya ang suot niyang sapatos at ibinato sa papalapit nang si Anthony. Tumama ito sa noo ng lalaki, dumugo iyon. Nahintakutan siya sa nanlilisik na mga mata ng lalaki. Alam niyang katapusan na niya kapag naabutan siya nito. Tumakbo muli siya. Tumama siya sa isang matigas na bagay.

“Miss okay ka lang?” tanong ng lalaking nakabanggaan niya. Matipuno ang pangangatawan nito.

“Mama tulungan mo ako. May humahabol sa akin,” tarantang pakiusap niya sa lalaki.

“Ano?”

“May gustong pumatay sa akin okay! Tulungan mo ako!” galit na utos niya sa estranghero.

“Miss –“ Hindi na naituloy ng lalaki ang sasabihin niya dahil tumambad na sa kanya ang limang lalaki. Nakita niyang may mga patalim itong dala at nagngingitngit na nakatuon sa babae. Sumipol siya pagkatapos ay mahigpit na hinawakan ang babae sa kamay at hinila patakbo.

“Miss ano ba ‘tong pinasok mo?!” naiiritang tanong niya sa babae.

“Ano ka ba? Bakit tayo tumatakbo? Dapat nilabanan mo sila!”

“Ano ako hilo? Nakita mong lima sila at may mga patalim pa. Mas maigi na ito, walang masasaktan. Hala bilisan mo ang pagtakbo.” Naasar si Rose dahil sa ginagawang pagkaladkad sa kanya ng lalaki. Nakangiti pa ang lalaki na para bang isang laro lang ang nangyayari. Tuloy sila sa pagtakbo hanggang sa lumitaw sa harap nila ang tatlo sa mga lalaking humahabol sa kanila. Nasa likod na nila ang dalawa pa.

“Rose huwag mo na akong pahirapan. Sumama ka nalang sa akin.” Nakakatakot ang boses ni Anthony sa likod nila.

“Sira ulo!” hinubad niya ang isa pa niyang sapatos at ipinukol ito sa ulo ni Anthony. Tumama ulit ito.

“Anak ng –!” bumaling si Anthony sa kasamang lalaki ni Rose. “Ikaw ibigay mo sa amin iyang demonyitang babaeng iyan!”

“Bakit?” kalmadong tanong ng lalaki.

“Sinira ng babaeng iyan ang buhay ko!”

“Shut up Anthony!” tumingin si Rose sa katabi niyang lalaki, may takot sa mga mata ng dalaga. Ngumiti sa kanya ang lalaki pagkatapos ay nagsalita.

“Okay.” nalaglag ang panga ni Rose.

“Ha? Ano ba? Ibibigay mo ako sa kanila kahit na papatayin nila ako?!”

“Kaysa naman idamay nila ako.” kalmadang sagot ng estranghero. Lumalapit na ang mga lalaki. Nataranta si Rose.

“Babayaran kita. Tulungan mo lang ako please!” Nangingilid na ang luha niya.

“Magkano?”

“Hello! I’m about to be stabbed to death here. Pwede mamaya na natin pag-usapan ang bayad?!”

Tumawa ang estranghero pagkatapos ay intinago sa likod niya si Rose. Kahit papaano ay nakahinga si Rose ng maluwag. Tatakas nalang siya habang abalang binubugbog ng mga lalaki ang gwapong estranghero.

“Sorry pare di ko na pala ibibigay ang babaeng demonyita na ito.” May amusement sa tinig ng estranghero. Nilingon niya ang nakasimangot na si Rose.

“Magbabayad daw siya eh. Walang personalan pare, pera-pera lang.”

“Ah ganun ha?” Nagngingitngit si Anthony. “Pwes uunahin kita!”

“Okay.” Mabilis na sumugod ang estranghero sa mga lalaking naka-umang na sa kanila ni Rose. Hindi na tiningnan ni Rose ang mga pangyayari. Namayani sa kanya ang pagnanais na iligtas ang sarili. Dahan-dahan siyang pumuslit habang naririnig niya ang tunog ng nababaling mga buto at pumuputok na mukha. Hindi na niya nilingon ang mga lalaking sa pakiwari niya ay nagpapatayan, mabilis lang siyang tumakbo ng tumakbo. Naririnig niya ang sigawan. Natigilan siya. Nagdalawang-isip siya, gusto niyang bumalik pero natatakot siyang baka hindi na niya maabutan pa ang gwapong estranghero. Sasayangin ba niya ang sakripisyo nito? Siyempre hindi! Kaya naman muli siyang bumalik sa pagtakbo. Natatanaw na niya ang maliwanag na kalsada at naririnig na niya ang mga nag-uusap na mga tao. Konti nalang…

“Saan ka pupunta?!” Natakot si Rose nang bigla siyang hablutin ng pinanggalingan ng boses. Hindi siya nakapagsalita. Gusto niyang sumigaw pero walang lumabas na tinig mula sa kanya. “I’m sooo dead” naisip niya.

“Tatakas ka ng hindi nagbabayad? Anong klaseng tao ka? Isinubo mo ako sa gulo pagkatapos iiwanan mo ako?” may galit sa tono ng lalaking nagsasalita. Sinipat na maigi ni Rose ang lalaki. Natuwa siya ng makita niyang ang gwapong estranghero ito. Sa sobrang tuwa niya nayakap na niya ito.

“My Gosh. Thank goodness,’ napabuntong hininga siya habang sapo ang dibdib niya. Seryoso ang mukha ng lalaki. Napansin ni Rose na may dugo sa mukha nito – mula sa sugat niya sa kaliwang kilay. May sugat din ang lalaki sa gilid ng labi at bukod doon ay namumula ang bridge ng matangos nitong ilong. Halos natuyo na ang dugo sa mga kamao nito at namantsyahan na rin ng dugo ang damit at jacket nito. Naawa si Rose sa lalaki. Kumuha siya ng panyo sa bag at pinunasan ang dugo mula sa labi ng lalaki.

Hinablot ng lalaki ang bag niya. Binuksan ito at kinuha ang pitaka niya. Binilang ang laman ng pitaka – 10, 20, 30, 50 thousand. “Miss bakit ang dami mong pera?”

“Ibalik mo nga sa akin ang bag ko!” Sinubukan niyang agawin ang bag niya.

“Ito.” Iniabot ng estranghero ang bag ng babae.

“Okay na sa akin ang 50 thousand.”

“Ano ka hilo?! 50 thousand ang sinisingil mo sa akin?”

“Tingnan mo ang mukha ko! Alam mo ba kung gaano kasakit makipagbugbugan? Kulang pa nga ito dahil kailangan ko pang magpagamot.” Pinahid ng lalaki ang dugo sa kanyang labi gamit ang hinlalaki niya. Tiningnan niya ang babaeng kaharap niya. Maganda ang babae ngunit hindi ito likas na ganda. Ang ganda ng babae ay nakamit niya mula sa matalinong pag-aayos, sa pag-aaral ng tamang mga bagay na ilalagay sa mukha at katawan niya. Ibinaba niya ang tingin sa dibdib ng babae. “Perky” – iyan ang unang salitang pumasok sa isip niya nang makita niya ang dibdib ng dalaga na hanggang ngayon ay humihingal pa. Nagustuhan niya ang nakita niya. Maputi at makinis ang kutis ng babae. Gusto niya ang hubog ng katawan nito. Bumaba ang tingin niya sa mapuputing hita nito – napasipol siya at ngumiti. Mukhang malambot ang mga kamay ng babae na well-manicured.

“O ano nakapasa ba ako sa inspection mo?” Tiningnan din ni Rose ang lalaki sa harap niya. He’s tall, dark and dangerously handsome. He’s beautiful, in a rugged way. Medyo humaba na ang buhok niya. Mukhang ilang araw na rin siyang hindi nag-shave. Pero walang nagawa ang mga ito para itago ang napaka gwapo niyang mukha. His eyes, sullen yet laughing at the same time. Isang milyong nakakabaliw na halik ang pangako ng sexy niyang mga labi habang walang tulugang magdamag naman ang handang ipagkaloob ng matipuno niyang katawan. Umaapaw sa kakisigan ang lalaki. How can a man look savage and docile at the same time? “This man is dangerous,” naisip ni Rose. Naisip niyang noong nilikha ang tukso na lulupig sa mga kababaihan, ang lalaking ito ang nasa isip ni Lucifer.

“What’s your name?” she affected an indifferent attitude.

Hindi kaagad sumagot ang lalaki. Nang nagsalita siya ay nagpakilala siya sa pangalang “Marcus.” Unconsciously nakagat ni Rose ang labi niya ng makita niyang ngumiti ang lalaki. Ngayong wala ng banta sa buhay niya buong-buo niyang nasasagap ang magnetikong aura na nanggagaling sa lalaki.

“Sige Miss.” Tumalikod na si Marcus at lumakad papalayo.

“I’m Rose!” pahabol na pakilala niya. Naisip niyang nagmukha siyang highschooler sa ginawa niya. Hindi naman siya tinanong ng lalaki bakit kailangan pa niyang i-volunteer ang information?

“Salamat Miss Rose.” Nagpatuloy sa paglalakad ang lalaki. Itinaas pa niya ang kanyang kamay na para bang to signify na wala na siyang interes na makipagusap pa.

“Wait!” Hindi huminto ang lalaki.

“Marami akong pera! May ipapagawa ako sa iyo. Babayaran kita ng malaki!” Kagyat na humarap sa kanya ang lalaki nang marinig ito. Excited ang mga mata at ngiti.

“Talaga?”

“Jeez mukhang pera talaga!” Hindi makapaniwalang sambit ni Rose sa sarili.

“Oo. Kapag nagawa mo ang ipapagawa ko sa iyo. Babayaran kita ng malaking halaga.”

“Magkano naman?”

“100,000 pesos.”

“Kung gusto mo na namang makipagpatayan ako sa mga goons sorry nalang Miss.”

“Wala kang papatayin.”

“Owws. Parang wala na akong tiwala sa iyo eh. Matapos mo akong iwanan kanina.”

“Sorry na okay. Tatawag dapat ako ng pulis.” Nagandahan si Rose sa naisip niyang excuse. He did not buy that.

“Weh.”

“Ano ba tatanggapin mo ba o hindi?” naiiritang tanong ni Rose.

“Hindi. Goodbye!”

“I’ll make it 150,000.”

“200,000,” tawad ng lalaki.

Nag-isip si Rose. Tinitigan niya ang lalaki. Alam niyang wala nang atrasan ang gagawin niyang kasunduan kay Marcus.

“O sige,” pumayag na siya.

“Call,” nakangiting tugon ng lalaki. Ipinasok ni Marcus ang kanang kamay niya, na may hawak na pera, sa kanang bulsa. Nabigla siya nang tumalon sa kanya si Rose. Sinalo niya ito sa magkabilang kamay ngunit nawalan pa rin siya ng balanse. Napasandal siya sa pader habang hawak sa kanyang mga braso si Rose. Walang anu-ano ay hinalikan siya nito. Mainit. Banayad. Matamis.

Nakapikit pa ang dalaga nang maglayo ang kanilang mga labi. Naiwan sa labi ni Marcus ang tamis ng halik ng babaeng demonyita.

“Iyan ang magiging kontrata natin.” Solemn ang mukha ni Rose.

“Mula ngayon akin ka hanggang hindi mo pa nagagawa ang misyon mo.”

“Yes Maam.” Malalim ang ginawang paghugot ni Marcus ng kanyang hininga.

“Mistress. Call me Mistress Rose.”


*****************************************************************************************


Gabi na nang makauwi si Francis sa bahay ng kanyang papa. Pagod na pagod siyang sumalampak sa kanyang kama. Maya-maya pa ay pumasok ang kanyang yaya.

“Yaya huwag mong buksan ang ilaw. Gusto kong nang magpahinga.”

“Francis saan ka ba nagpunta? Kanina pa tumatawag ang papa mo mula sa States. Kumain ka na ba?” Tanong ng may edad nang babae.

“It’s okay Yaya. I’m not hungry. Please tell papa I’m taking an indefinite leave.”

“Indefinite leave?! E hindi ka pa nga nag-uumpisa? Ni hindi ka pa naipapakilala sa mga tao sa kumpanya.”

“Yaya kailangan ko na magpahinga. Pagod na pagod ako.”

Bumuntong hininga si yaya Carol.

“Yaya may aayusin lang akong importanteng bagay.” Pahabol ni Francis nang papalabas na si yaya Carol.

“Ano ‘yun Francis?”

Tawa lang ang isinagot ni Francis.






*****************************************************************************************
Chapter 4 


Nagkasundo sina Rose at Marcus na magkita the following night. Sa condo unit ni Rose sila nagkita. Doon inilatag ni Rose ang plano niya.

“Pumunta ng States ang daddy at ang stepmother ko. Matatagalan sila doon dahil aasikasuhin niya ang negosyong bubuksan niya doon. Sasamantalahin ko ang pagkakataong iyon. Babalik ako sa bahay namin at doon natin isasagawa ang plano natin.”

“Anong plano?”

“Simple lang. Kailangang akitin mo ang stepsister ko, si Anna Luise. Kailangang sirain natin ang relasyon nila ng boyfriend niya.”

“Bakit?”

“Dahil galit ako sa kanya. Dahil lahat nalang nasa kanya. Siya nalang ang maganda. Siya nalang ang matalino at siya nalang ang laging magaling. Hindi ko makakalimutan ang ginawa niyang pag-agaw sa lalaking mahal ko.”

“Inagawan ka niya ng boyfriend?”

“Hindi ko siya boyfriend. Pero alam ni Anna Luise mahal ko ang lalaking iyon. Pero anong ginawa niya? Ginawa niyang boyfriend niya kahit alam na alam niyang ikakamatay ko iyon!” Bakas sa mukha ni Rose ang matinding emosyon.

“Eh hindi mo naman pala boyfriend eh. Di hindi ka niya inagawan.” Gumuhit sa mukha ni Marcus ang isang ngiti.

“Huwag ka na nga magcomment. Sumunod ka nalang sa plano ko,” naiiritang sigaw ni Rose. Natawa si Marcus. Natutuwa siya sa katarayan ni Rose.

“Alalahanin mo, ako ang amo at ikaw ang alipin. Ako ang masusunod at wala kang karapatang tumanggi sa gusto ko.” Tinitigan ni Rose si Marcus. May kakaibang glint sa mga mata ng lalaki. Rose flushed when she saw Marcus’ bold smile. For a fleeting moment, nagtanong siya kung sino nga ba sa kanila ni Marcus ang panginoon at sino ang alipin. The man is formidable. At alam niyang she needs to be always on guard…or else.

“Yes Mistress Rose.” Tumayo pa ang lalaki at umaaktong nag bow sa kanya. He’s clearly enjoying himself. Again that glint in his eyes.

“What freakish eyes you have.” She wanted it to sound like an insult but unfortunately she sounded fascinated, awed.

“All the better to see you with, my dear.” His smile broadened. Napatingin si Rose sa mga labi ni Marcus. Napalunok siya.

“What fiendish lips you have…” Huli na ang lahat. Nasabi na niya bago pa niya napigilan ang sarili niya. Namula ang pisngi ni Rose. Tumawa ng malakas ang lalaki.

“All the better to kiss you with –“

“Stop!” Itinaas ni Rose ang mga kamay niya para pigilan ang lalaki.

“Okay. Sure na ako na hindi ako nagkamali sa pagpili sa iyo. Pero kay Anna Luise mo nalang gamitin ang art mo. It won’t work on me!”

“Okay.” Muling umupo ang lalaki sa sofa.

“Paano natin isasakatuparan ang plano natin?”

“Magpapanggap kang taga-silbi ko, my all-around servant.”

Tumaas ang kilay ng lalaki.

“Alalahanin mong hindi ka na pwedeng umatras.”

“Wala akong balak umatras. Hindi ko sisirain ang usapan natin.” Seryoso ang mukha ng lalaki.

“Okay. Mag-uumpisa ka bilang servant ko…ngayon.”

“Ngayon?”

“Oo. Ngayon na. Nagugutom ako. Wish ko lang marunong ka magluto.” Inginuso ni Rose ang direksyon ng kusina. Napabuntong hininga si Marcus, mabigat na lumakad palapit sa kusina.

In a businesslike attitude she said, “siyanga pala, we need to change your look. I need to make you look, well, I need to make you look more presentable.” She added with a sly smile “It’s next to impossible but with my excellent skills and superior judgment it can be done.”

“Sige sabi mo eh.”



Makalipas ang isang oras:

“Ano ba matagal pa ba ‘yan?” Naiinip na si Rose na nakaupo na sa may lamesa.

“Sheesh ang tagal naman! I’m soooo starving to death.”

“Ito na.” Dala ni Marcus ang isang tray ng pagkain. Nalaglag ang panga ni Rose sa ganda ng presentation ng mga pagkain. At mas lalo siyang humanga nang matikman niya ang masarap na luto ni Marcus. Hindi niya akalain na magaling pala ito magluto. Kumain siya na parang isang construction worker.

As she was gobbling the food on her plate she managed to ask, “paano ka natutong magluto ng ganito kasarap?”

“Nagtrabaho ako sa hotel dati.”

“Ah okay.”

Umupo si Marcus sa kabilang kabisera ng lamesa at halumbabang pinagmasdan si Rose habang kumakain. Hindi siya napapansin ni Rose na sa sobrang gutom ay walang itinirang pagpipigil sa sarili habang kumakain.




*****************************************************************************************



Kinabukasan dinala ni Rose si Marcus sa isang salon. Simple lang ang instruction niya sa mga bading at babaeng hitad na atat na atat nang mahawakan ang gwapong si Marcus – ang pagmukhain siyang presentable.

“Ha? Wala namang mali sa kanya ah. Ang gwapo nga niya,” sabi ng isang atribidang bading.

“Oo nga naman. Kung ayaw mo sa kanya –“ Matalim na tingin ang inihagis ni Rose sa babaeng sumigunda sa bading.

“Sino ba ang customer dito?! Kayo ba ang magbabayad?!”

“Sorry Miss Santillan,” lumapit na ang manager. Kilala sa salon na iyon si Rose dahil sa doon siya laging nagpapa-ayos. Alam din nila na masama ang ugali ng babaeng ito na kung tawagin nila ay “La Primera Demonyita.” Walang naglalakas ng loob sa kanila na makipagtagisan ng katarayan sa babae dahil alam nilang kukulangin sila.

“O siya I need to go na. Babalikan ko nalang siya mamaya.” May pagbabanta ang titig na iniukol niya sa mga staff ng salon. Nagshopping si Rose ng mga damit para kay Marcus. Kung gagamitin niya ang lalaki para akitin si Anna Luise, kailangan niyang itodo ang resources niya. Mataas ang standards ni Anna Luise sa lalaki. Kahit pa sabihin na may taglay na magnetic charm si Marcus, alam ni Rose na hindi sasapat iyon para makuha niya ang atensyon ni Anna Luise. Si Anna Luise ay sanay na napaliligiran ng mga gwapo at mayayamang lalaki. Kung gusto niyang mabihag ni Marcus si Anna Luise, kailangang ilantad niya lahat ng charms na naitatago ni Marcus sa pagkatao nito.

Pagbalik ni Rose sa salon ay nagulat siya sa nakita niya. Napuno ng mga babae at binabaeng customers ang salon. Lahat sila iisa lang ang tuon ng paningin – kay Marcus. Nalaglag ang panga ni Rose (naasar siya sa sarili niya dahil sa naging normal everyday occurrence nalang sa kanya ang pagkalaglag ng panga mula nang makilala niya si Marcus…Humanda ka Anna Luise!) nang masilayan niya si Marcus. Napakagwapo nito. Ngayong nagupitan si Marcus at naahitan, wala nang maitatago sa gwapo nitong mukha. Ang laki ng ipinagbago ng aura nito. Nawala ang savagery na nakapalibot sa pagkatao nito nang una itong makita ni Rose. Pumalit ang isang sophisticated na lalaki.

“Shucks! Naka t-shirt at jeans lang siya niyan ha,” proud na bulong ni Rose sa kanyang sarili. “Just you wait Anna Luise! I’ll get my revenge! And you won’t know what hit you!” Naamoy na ni Rose ang tagumpay.

She saw him looking at her, a rougish smile on his face. Then he winked.

She gasped inwardly. “We need to talk. He needs to stop doing that…It’s so…” she broke off.

Hinawi niya ang mga bading na nakapalibot kay Marcus. Nilakasan niya ang boses niya para marinig ng lahat ang sasabihin niya.

“Marcus let’s go.” Napatingin sa kanya ang mga babaeng customers ng salon na kanina pa buong paghangang nakatitig kay Marcus. With a faint smile on her face and with a raised eyebrow inilibot niya ang tingin niya sa mga babaeng nasa loob ng salon as if saying: “Eat your hearts out girls!” Narinig pa niya ang mahinang buntong hininga ng mga babae noong papalabas silang dalawa ni Marcus.

“Marcus pwede ba tigilan mo ang pagpapacute mo?!” Mataray niyang sabi pagkasara ng pinto sa likod nila. Naasar siya nang makita niya ang ilang mga babae na nagbigay ng makahulugang ngiti sa lalaki, na ginantihan din naman nito ng ngiti.

“Ano? Wala naman akong ginagawa ah,” maang na depensa ng lalaki.

“Tumigil ka nga sa pakikipag ngitian mo sa mga babae!”

“Bakit naman. Ngumiti sila, ngumiti din ako.”

“Basta tigil-tigilan mo na ‘yang pakikipag flirt mo!”

“Flirt?”

“At saka ano yang mga hawak mo? Akina nga yan.” Hinablot ni Rose ang mga hawak ni Marcus. Mga kapirasong papel na may numero at pangalan ng babae at mga calling cards. Uminit ang ulo ni Rose.

“Ano itong mga ‘to?”

“Papel?” Umakto si Marcus na inosente.

“Mga papel na may number ng babae!” Pinagpupunit ni Rose ang mga papel at mga calling cards. She glared at Marcus. Mas lalong uminit ang ulo niya ng makita niya na nakatawa ang mga mata nito, seryoso ang gwapong mukha ngunit nakatawa ang mga mata.

“Marcus kung gusto mong makipaglandian sa mga babae saka na. Tapusin mo muna ang pinapagawa ko sa iyo okay?!”

“Hindi ako nakikipaglandian at ayoko makipaglandian. Isang babae lang ang gusto ko.” Napaatras si Rose nang makita niyang naging seryoso ang mukha ng binata – nakatitig ito sa kanya.

“Sino?” Kinakabahan si Rose.

“Sino pa. eh di si Anna Luise. Akala ko ba siya ang target natin?” Gusto na naman ni Rose na sipain ang sarili dahil naging successful na naman siya na magmukhang tanga sa harapan ng lalaki. Bakit kailangan pa niya tanungin kung sino, na para bang may gusto siyang marinig na sagot.

Nakatawa na naman ang mga mata ni Marcus nang pagbuksan siya nito ng pinto ng kotse. She congratulated her self for making the best decision of her life sa pagpili kay Marcus. Bukod sa magaling na ito magluto ay marunong pa magdrive at higit sa lahat magagamit pa niya sa paghihiganti sa kanyang stepsister. Nakatingin si Rose sa labas ng bintana ng kotse. Wala siyang ideya na kanina pa siya tinitingnan ng kanyang driver mula sa rear-view mirror.

Sobrang nag-eenjoy si Marcus sa mga nangyayari. Hindi na niya maalala kung kailan ba siya nag-enjoy ng ganito sa buhay niya. Maldita man ang kanyang amo ay gusto niya ito dahil alam niya na may soft-side naman ito. Hindi rin niya maintindihan ang sarili niya pero gusto niya ang kasamaan ng ugali nito. Kadalasan ay umiiwas siya sa mga babaeng katulad ni Rose – maarte, mataas ang ere, mayabang at masama ang ugali. Pero iba si Rose. Mali – iba si Mistress Rose. Lihim siyang natatawa sa tuwing sasabihin niya ang mga katagang iyon. Mistress Rose, napaka childish. Pero pumayag siya. Pumayag siyang maging alipin ni Mistress Rose. Pumayag siya sa maiitim pero childish na plano nito. At mukhang marami pang kabaliwang ipapagawa ang babae na papayagan din niya.



*****************************************************************************************



“Bakla sino ‘yan?! Anak ng put –! Ang gwapo ha. Boyfriend mo?” Sunod-sunod na tanong ni Charice. Nakaupo na sila noon sa isang mesa sa secondhand bookstore-slash-coffee shop-slash-curio shop na minana ni Charice sa mga magulang niya samantalang si Marcus naman ay nakaupo sa isang mesa sa isang gilid.. Paminsan-minsan ay nanghuhula pa rin si Charice, kapag gusto niya manira ng araw ng may araw. Hindi nagbago si Charice, emo parin siya hanggang ngayon at feeling niya may sixth sense parin siya. Kung may pagbabago man sa kanya iyon ay ang paglala ng pagpapanggap nito na isa siyang “antisocial”.

“Sira hindi ko boyfriend yan. Iyan ang gagamitin ko sa paghihiganti ko kay Anna Luise.”

“Gaga! Ipapaligpit mo ang stepsister mo?!”

“Charice, I’m more creative than that.”

“So ano nga ang plano mo?!” Hindi mahilig si Charice sa mga palaisipan, may sore eye ang third eye niya.

“Ano pa eh di gagamitin ko siya para sirain ang relasyon ni Anna Luise at Brent.”

“Sus naman Rose tigilan mo na nga iyan! Matagal nang naghiwalay si Alexis at Anna Luise okay?! Bakit pati si Brent idadamay mo?” Nagsindi ng sigarilyo si Charice.

“Malas lang niya at si Anna Luise ang naging girlfriend niya. Madadamay tuloy siya sa paghihiganti ko. And isa pa, I’m doing him a favor kasi hindi naman sila bagay.”

“Alam mo kung may galit ka kay Anna Luise sabuyan mo nalang ng asido sa mukha o kaya naman lagyan mo ng lason yung juice niya.”

“Hindi ako ganun katanga noh.”

“Kung ako sa iyo Rose, Magli-let go na ako. Move on with your life girl. And isa pa –”

“Sino ba ang kakampi mo dito? Ako ba o si Anna Luise?”

“Siyempre ikaw.”

“O ‘yun naman pala eh, di sumakay ka nalang. Hindi mo alam kung gaano kasakit ang naramdaman ko Charice. Isipin mo ‘yung lalaking minamahal ko. Hindi naman ako naghahangad ng sobra-sobra eh, si Alexis lang. Okay na sa akin na ang lahat ay na kay Anna Luise, pero bakit pati si Alexis?”

“O bakit noong naghiwalay sila bakit hindi ka niligawan ni Alexis? Ibig sabihin nun hindi ka talaga niya gusto, okay.” Masakit man ang sinabi ni Charice ay inamin ito ni Rose. Kahit kailan hindi siya nagustuhan ni Alexis.

“Because he’s a jerk.” Umuusok na sagot ni Rose. Wala na kay Rose ang atensyon ni Charice. Nakatitig na naman siya kay Marcus.

“Pero promise mare, ang gwapo niya. Super gwapo.” Ngayon lang nakita ni Rose na kinilig ng ganoon si Charice.

No comments:

Post a Comment