Wednesday, May 4, 2011

Stories



Captain Moon Ranger ♥s Bull Girl




Synopsis


Matapos mahold-up at nakawan ng kotse ay naiwang naka-birthday suit si Elisha sa kalsada. Humingi siya ng tulong sa unang bahay na natagpuan niya. At kung hindi ba naman talaga pinaglalaruan siya ng pagkakataon, isa palang maliit na preschool ang pinasok niya. Hayun siya hubad na tumambad sa mga batang nagsasagwa ng overnight camping. Bugbog tuloy ang inabot niya sa nakakatakot na head mistress ng school, si Mac, na parang isang toro na sumugod upang daluhungin siya.


Inakala ni Mac na hindi na niya makikita pa ang “pervert” na sumira ng gabi niya. Ngunit may ibang plano ang tadhana. Dahil kahit na magkaibang mundo ang ginagalawan nila iikot ang kapalaran at muli silang magtatagpo. Paano kung ang binata, na sikat na sikat sa mga bata bilang ang pambansang super hero na si Captain Moon Ranger, ang magsisilbing huling alas niya upang ibangon ang papalubog na niyang preschool?




The Witch with a Capital B and Her Unscrupulous Slave




Synopsis


Mula pagkabata kinainggitan na ng wallflower na si Rose ang kanyang stepsister na si Anna Luise. Paano ba namang hindi? Bukod sa matalino na ito ay maganda pa at may winning personality na kayang bumihag ng mga taong nakakasalamuha niya. Matatanggap sana niya ang lahat ng ito pero bakit pati ang lalaking mahal niya ay ito rin ang pinili? Hindi ito mapapalampas ni Rose. Kailangang maghiganti siya! Matapos ang ilang taon ay nagdesisyon siyang “IT’S PAYBACK TIME!” Sisirain niya ang buhay ni Anna Luise, at uumpisahan niya iyon sa pagsira sa relasyon nito at ng boyfriend. 
Nakahanap siya ng alipin sa katauhan ng gwapong si Marcus, isang lalaking gagawin ang lahat para sa salapi. Disguised as her personal servant, Rose exploited Marcus’ charms to seduce Anna Luise. Ngunit bakit hindi naging masaya si Rose sa tagumpay ng plano niya?




First Love of Miss 1,000 Faces

Synopsis

Mula noong namatay ang ina ni Lucianne ay nawalan na siya ng permanent address. Kinailangan niyang magpalipat-lipat ng tirahan upang mapagtaguan ang mga taong humahabol sa namayapa niyang ina na determinadong siya ang singilin para sa mga atraso nito. Sa sobrang tagal niyang nagtatago at sa anking galing sa pag-arte, natuto siyang magbalatkayo. Tinagurian siyang Miss 1,000 Faces dahil sa dami ng mga katauhan na kaya niyang gampanan.

Labag man sa kalooban niya ay kinailangan niyang hanapin muli ang dati niyang nobyo na siya ring labis na nanakit sa kanya noon, si Luke. Inakala niyang namatay na ang pag-ibig niya para sa lalaki pero totoo pala ang sabi nila na “first love never dies”.




La Familia Adiktus 1: My Fiancé is a Vampire 
 


Simple lang ang pangarap ni Romina Ngusngos-Balisawsaw: Una, ang maligo sa salapi; Ikalawa, ang bumango ang apilyedo niya. Lumuwas ng Maynila ang loka para maghanap ng mayamang mapapangasawa. Mas matanda at mas madaling mamatay mas bongga. Iyun nga lang, nauwi siya sa pagiging isang katulong. Tamang-tama naman, parang inadya ng langit, dumating sa kanya ang isang oportunidad para makamit ang mga mithiin niya. Mangyari kasi ay isang dugong bughaw mula sa malayong kaharian sa Europa ang bigla na lamang, out of the blue, nag-alok sa kanya ng kasal. Matatanggihan ba niya ang lalaki? Mayaman ito. Mabango ang apilyedong Brettencourt. Gwapo ang mukha. At higit sa lahat panalo sa abs! Sa madaling sabi ay pumayag ang ating bida na maging  fiancée ng mayamang Konde. Goodbye Romina Ngusngos-Balisawsaw, hello Countess Romina Brettencourt na sana ang drama ng ating bida pero isang lihim ang matutuklasan niya na kanyang ikagigimbal nang bonggang-bongga!