First Love of Miss 1,000 Faces


Synopsis


Mula noong namatay ang ina ni Lucianne ay nawalan na siya ng permanent address. Kinailangan niyang magpalipat-lipat ng tirahan upang mapagtaguan ang mga taong humahabol sa namayapa niyang ina na determinadong siya ang singilin para sa mga atraso nito. Sa sobrang tagal niyang nagtatago at sa anking galing sa pag-arte, natuto siyang magbalatkayo. Tinagurian siyang Miss 1,000 Faces dahil sa dami ng mga katauhan na kaya niyang gampanan.
Labag man sa kalooban niya ay kinailangan niyang hanapin muli ang dati niyang nobyo na siya ring labis na nanakit sa kanya noon, si Luke. Inakala niyang namatay na ang pag-ibig niya para sa lalaki pero totoo pala ang sabi nila na “first love never dies”.







Chapter 1





“Sige takbo lang hanggang may lupa!”

Sa mga pagkakataong ganito, kung kailan hinahabol si Lucianne ng mga taong mula’t sapul ay masama na ang balak sa kanya ay paulit-ulit na isinisigaw niya iyon sa kanyang isip. Paano nga ba siya napasok sa gusot na ito? Habang hinahabol ang hininga sa sobrang pagod sa pagtakbo ay nagawa niyang tumingala sa langit at magwika:

“Hey mom, nakikita mo ba ako? Nakikita mo ba ang anak mo? My God mom! Tingnan mo ang napakalaking problema na ipinamana mo sa akin.”

Nilingon ni Lucianne ang mga humahabol sa kanya. Mga malalaking lalaki na mukhang hindi pahuhuli ng buhay. Nangilabot ang dalaga nang maisip niya ang pwedeng kahinatnan niya kapag nahuli siya ng mga ito. Sapat ang takot na iyon upang mas lalo pa niyang bilisan ang pagkaripas. Pero malas yata siya noong gabing iyon. Hindi nakipag-cooperate ang suot niyang Chimmy Choo black leather pumps na labis-labis na sakit ang iginagawad sa kanyang mga paa. Chimmy Choo ang tatak ng sapatos niya na isang cheap imitation ng sikat na brand na Jimmy Choo. Nabili niya ang pares na iyon sa Divisoria, along with the Espee Lauder black cocktail dress na nabili niya sa halagang one hundred fifty pesos. Ipinares niya ang damit niya sa isang set ng tacky pearl necklace, earrings at brooch na binili niya sa isang batang naglalako ng mga laruang alahas sa daan. Ano ba ang drama niya ngayon? 
She was playing the role of a socialite party girl. Sa unang tingin ay mukha nga namang isang mayamang babae si Lucianne sa get up at itsura niya. Natural kasi siyang maganda. Matangkad siya at balingkinitan ang katawan. Ang kulay naman ng balat niya ay creamy, katulad ng mga taong may halong ibang lahi ang dugo. Matangos ang kanyang ilong, manipis ang kilay, pilantik ang mahaba at makapal na pilikmata at kulay-rosas ang mapang-akit na labi. Maraming tao na rin from photographers to aspiring fashion designers at maski mga commercial at movie agents ang nakakapansin sa magandang bone structures niya. Maganda ang hugis ng kanyang mukha na oval ang hugis. Lahat ng kagandahang taglay ni Lucianne ay nagmimistulang backdrop lang ng mga totoong bida ng stage – ang kanyang mga mata. Kulay hazel-brown ang mga iyon na talagang matatawag na mga bintana ng kanyang kaluluwa dahil sa sinasalamin ng mga iyon ang kanyang kalooban. Kapag tinitigan ninuman ang mga matang iyon ni Lucianne ay para bang nakikita nila ang puso ng dalaga. Sa sobrang bilis ng pagtakbo niya ay nililipad na ng hangin ang kanyang itim na itim na buhok na kumikinang sa kakarampot na liwanag ng buwan na tumatama doon. Kung titingnan si Lucianne ay masasabi na pwedeng-pwede siyang maging artista. Sa ganda ba naman niya at sa tindig, hindi malayong sumikat siya. Pero iba ang palabas na pinagbibidahan niya - ang pelikulang “Takbo Lucianne, Takbo!” At sa pelikulang iyon, walang cut-cut dahil buhay niya ang nakataya doon.


“Unfair! Life is sooooooo unfair!” malakas na sigaw niya habang sumusuot sa maliliit na iskinita sa kahabaan ng Jupiter Street sa Makati. Paanong hindi siya magririgodon? Wala naman siyang atraso sa mga taong humahabol sa kanya. Tama bang manahin niya ang kung ano mang kasalanan ng kanyang ina? Bakit kailangan niyang pagbayaran ang mga pagkakamali nito…kung ano man iyon? Nilingon niya ang apat na lalaking pawang mga mukhang goons at sumigaw.

“Why can’t you just leave me alone?! Matagal nang patay ang mommy ko. Wala akong alam sa atraso niya sa inyo!”

“Malas mo lang Miss one thousand faces dahil naging anak ka ni Luna Mascara!” sigaw ng lalaking halos dipa nalang ang layo sa kanya.

Miss one thousand faces ang naging bansag kay Lucianne dahil may haka-haka na kaya niyang magsuot ng isang libong mukha. Isang sining na natutunan niya sa kanyang ina – isang legendary stage actress na kilala sa pangalang Luna Mascara. Legendary dahil nanatili nalang na isang alamat si Luna Mascara matapos tuluyang iwanan ni Amanda San Gabriel ang pag-arte. Naging actress din ang dalaga sa mga school plays noong nasa highschool at college siya, pero naperpekto niya ang galing sa pagbabalatkayo noong sinimulan siyang i-hunt down ng mga sindikatong tulad ng Black Empire, Jade Triangle at Les PoupĂ©es. Apparently nagkaroon ng kaugnayan ang kanyang ina sa maraming sindikato noong nabubuhay pa ito. Nadawit si Luna sa isang malaking nakawan noong nagtatanghal ito sa London na naging dahilan ng pagbagsak ng karera nito bilang tinitingalang aktres sa entablado. Hindi alam ni Lucianne kung ano ang naging papel ng kanyang ina sa nasabing nakawan na lumimas sa mga mamahaling alahas ng Dowager Marchioness of Laoham-Ava noong dekada otsenta. Pero malakas ang kutob ng mga humahabol na sindikato kay Luna noon, at ngayon naman kay Lucianne na alam ng mag-ina kung saan napunta ang nawawalang mga alahas ng Dowager Marchioness na tinatayang aabot ng 25 million dollars ang halaga. Hindi pa kabilang doon ang “Mistress of Lotham-Ava”, ang mamahaling tiara ng pamilya ng Marquess of Lotham-Ava na nagpasalin-salin sa Marchioness ng bawat henerasyon ng sinaunang angkan ng Reid – ang nagmamay-ari ng titulo ng Lotham-Ava. Ngayong nagbabalik tanaw si Lucianne, naisip niya na kaya marahil mula pa noong bata siya ay palipat-lipat na sila ng tirahan at kahit kailanman hindi binanggit ng ina kahit kanino ang pagiging dating aktres nito ay dahil sa pagtatago nito sa mga tumutugis sa kanya.

Sa wakas ay nakahanap ng kublihan si Lucianne sa isang madilim na siwang sa tabi ng isang basurahan sa gilid ng 7-Eleven. Habang pilit na ibinabalik sa ayos ang daloy ng hangin sa kanyang katawan ay nakahanap siya ng pagkakataon para kastiguhin ang sarili.

“Lucianne napaka tanga mo talaga! Ano sa tingin mo hindi ka nila matutunton? Gaga!” Napakamot ng ulo ang babae. 
Napa “tsk!” siya sa sobrang asar. Kailangan na naman niyang lumipat ng tirahan. Doon sa walang makakakilala sa kanya. Ganito na ang naging buhay ni Lucianne mula noong labing-pitong taong gulang siya – noong mamatay ang ina niya. Dahil doon ay hindi siya nakatapos ng pag-aaral at hindi rin siya makahanap ng matinong trabaho. Dahil din sa buhay niyang patagu-tago at pabagu-bago ng identity ay nawalan siya ng kahit na anong komunikasyon sa kanyang mga kaibigan. Needless to say, wala din siyang love life. Paano naman siya magkakaroon ng buhay pag-ibig kung isang araw madre siya pagkatapos kinabukasan ay matandang babaeng kuba naman ang gagampanan niya tapos sa susunod na araw ay isang taong grasa. Ganito ang buhay ni Miss One Thousand Faces. Walang permanent address at walang matinong pagkakakilanlan.

“Lord kahit na hindi na ako magkaroon ng love life forever.” usal niya. “Tutal naman never akong naging maswerte sa love.”

Isang beses palang naman nagkaroon ng boyfriend si Lucianne. Pero ang hinagpis na dinanas niya sa kanyang playboy na ex-boyfriend ay sapat na para isumpa sa sarili na never na siyang susugal pa. Naalala niya ang masaklap na dinanas sa dati niyang nobyo. Kumulo ang dugo niya.

“Hayup ka Luke! Peste ka! Ipanalangin mo lang na hindi magtagpo ang landas natin hudas ka dahil kapag nagkataon maghahalo ang balat sa tinalupan!”

Dalawa ang dahilan kung bakit gustong makita ni Lucianne ang dating nobyo. Una ay ang pagbayarin ito sa kasalanan sa kanya at ang ikalawa naman ay ang bawiin si Mr. Chili, ang alagang Chihuahua ng kanyang ina. Kung tama ang pagtataya ni Lucianne, makalipas ang sampung taon ay nasa edad trese na si Mr. Chili. Kailangan niyang mahanap sa lalong madaling panahon ang Chihuahua dahil mahigpit na ipinagbilin iyon ng kanyang ina sa iniwang liham nito sa kanya, na npasakamay lang ni Lucianne, tatlong buwan makalipas ang pagpanay ng ina. Misteryo kung sino ang naghatid ng liham na napasakamay niya. Basta na lamang niya ito nakita sa pinto ng inuupahan niyang kwarto noon.

“Kung bakit ba naman kasi iniwan ko pa ang aso sa demonyong iyon!” may hinagpis sa boses ni Lucianne. Hindi naman kasi inakala ni Lucianne na aabutin ng sampung taon ang magiging paghihiwalay nila ni Mr. Chili. Iniwan niya ang aso sa dating nobyo upang kahit papaano ay may magbantay sa kanyang boyfriend, na ulirang playboy, noong wala siya. Inakala niya na kahit papaano ay magdadalawang isip si Luke sa pambababae kung nakabantay sa kanya si Mr. Chili.

“I don’t care about Luke. He can go to hell. Si Mr. Chili ang kailangan ko.”

Sana ay buhay pa ang aso. After all, umaabot ng 15 years above ang life span ng small breeds tulad ng Chihuahua.

Pagdating sa kanyang inuupahang kwarto ay kaagad na nag-empake ang dalaga. Mula sa malawak na costumes at props na pamana sa kanya ng ina ay pumili siya ng isang mahaba at malaking padded na bestida upang magbigay ng ilusyon na mataba ang nagsusuot. Sa angking galing sa pagpipinta ng mukha at sa tulong ng homemade prostethics ay nagtagumpay siya na pagmukhaing matanda ang sarili. Nagsuot din siya ng puting peluka at makakapal na salamin upang kumpletuhin ang kanyang balatkayo. Dumating na siya sa punto kung saan hindi na pupwede ang patagu-tago. Kailangang mahanap niya si Mr. Chili – ang susi sa misteryong pinanghawakan ng kanyang ina na hindi na nito nagawang ipagtapat sa kanya.


****************************************************

Muli na namang natagpuan ni Luke ang sarili sa paborito niyang bar. Gusto niya ang bar na iyon dahil sa hindi iyon madalas dayuhin ng mga kabataan at ng mga kakilala niya. Mahirap na. Hindi pwedeng ang katulad niyang college professor ay mapagkikikita sa mga establisyimentong katulad noon. Nitong mga nakaraang taon, mula nang maging isang propesor siya sa isang prestiheyosong unibersidad ay pinilit niyang unti-unting baguhin ang lifestyle niya. Iwinaksi niya ng dahan-dahan ang kanyang pagiging “wild”. Iniwasan niya ang mga kaibigang mahilig sa bar hopping at mahilig sa bisyo. He needed to set a good example for his students. Binawasan na rin niya ang pagiging palikero. Sinikap din niyang patatagin ang kanyang self control lalo pa at napapaligiran siya ng nagagandahang kolehiyala. Siya na mismo ang umiiwas sa tukso kahit pa napakaraming estudyante ang lumalandi sa kanya. Siguro ay napagod na rin siya sa pagiging playboy. Siguro ay nag-mature na siya. O kaya naman ay may hinahanap siya na hindi niya masumpungan sa mga babaeng nakakasalamuha niya. Iginala ng lalaki ang paningin sa kabuuan ng bar. Wala siyang makitang pamilyar na mukha. Good. Ayaw niyang may makakilala sa kanya. Baka maging issue pa kapag kumalat sa campus na si Mr. Sytengco ay naglalasing sa bar. Kakabreak lang nila ng girlfriend niya for two months. Tumawa siya pagkatapos ay napailing. Mukhang kailan man ay hindi na magiging matino ang love life niya. Kasalanan ba niya kung nilalapitan siya ng mga babae? Lalaki lang siya. Sinisikap niyang labanan ang tukso pero katulad ng maraming lalaki, mahina siya pagdating sa babae.

Kung tama ang sinasabi ng mga psychology books, marahil ay may kinalaman sa pagiging palikero niya ang naging buhay niya while he was growing up. Anak siya sa labas at maagang naulila sa ina. Sa lolo niya siya lumaki at nang mamatay ang lolo niya noong nasa fourth year highschool siya ay nag-umpisa na siyang kumayod para sa pag-aaral at sa pang-araw-araw na kailangan niya. Siguro ay dahil sa hindi naging matino ang pamilya niya kaya ganoon siya. Noong nabyudo ang kanyang ama, dalawang taon na ang nakakaraan ay nagsimula ito na i-establish ang relasyon sa napabayaang anak. Wala namang grudge si Luke sa ama at sa mga kapatid niya dito. Alam niya kung saan siya lulugar. At paano siya magagalit sa taong hindi naman niya nakilala? Mabait naman ito. Galante magbigay ng regalo sa kanya. Pero hanggang doon palang ang father-son relationship nila. Kahit pa pinipilit siya nito na iwanan ang pagtuturo at magtrabaho sa malaking food and beverage company nito hindi pumayag si Luke. Sa bandang huli ay nagkasundo sila na magtrabaho bilang operations management consultant si Luke. Bukod sa pagiging propesor at sa pagiging consultant, ay kabilang din siya sa roster of models ng isang modeling agency at lumabas na sa brochures, magazine ads at billboards para sa menswear collections ng high-end brands tulad ng Zara, Armani, Hugo Boss at Ermenegildo Zegna. Isa din siya sa mga modelong kinuha para sa ad campaign ng 7 for all Mankind sa Pilipinas. Bukod pa doon ay nagtuturo din siya sa isang pampublikong unibersidad.

“Jerk!” iyan ang parting word ni Samantha sa kanya bago siya nito tuluyang iwanan. Nahuli kasi siya nito na may kasamang ibang babae sa kaniyang kama. Isang sampal naman ang ibinigay sa kanya ng babaeng kasiping matapos nitong mabisto na may girlfriend na pala siya. “Fuck you!” galit na sigaw ng babae pagkatapos ay dali-daling nagbihis at umalis. Binasag pa nito ang kanyang bagong biling 63-inch 3D HDTV.

“Holy mother of God!” sigaw niya nang makita niya ang kinahinatnan ng TV. And as if hindi pa sapat iyon, one of his ex-girlfriends/flings (or maybe they’re working as a group) had been egging his car everyday for the past three weeks. Talk about grudge! He realized that when the guy (whoever he was) who written the famous line “heaven has no rage like love to hatred turned nor hell a fury like a woman scorn”, he wasn’t trying to be funny, he was dead serious. And he was trying to warn men like Luke of what awaits them should they mess around with women. Totoong impiyerno ang dadanasin ninoman sa kamay ng isang babaeng puno ng galit ang dibdib.

Galit? Rage? Fury? Scorn? Kapag tungkol sa ex-girlfriends na nasusuklam sa kanya ang usapan, isang pangalan ang laging nauuna sa listahan ni Luke. Ang babaeng pinaka nakakatakot sa lahat – si Lucianne. Takot na siya kay Lucianne noon pa man. Iba ito sa lahat ng mga naging girlfriends niya. Sa lahat ng mga naging nobya niya ito ang pinaka unpredictable. At ito ang nagustuhan niya dito, ang pagiging wayward nito. Gusto niya ang ugali nito na hindi nagpapalamang at laging palaban. At sa lahat ng mga naging nobya niya ito ang pinaka sineryoso niya, kung matatawag man ang pagkakaroon ng iba pang nobya maliban kay Lucianne na seryoso. Sa totoo lang kahit na maraming kasabay si Lucianne sa buhay ni Luke noon, ang babae ang priority niya at handa siyang iwanan lahat ng mga girlfriends niya kung mahuli man siya ni Lucianne at hindi nito maatim ang pagiging palikero niya.

Nakakatuya ang tawang pinakawalan ng grupo ng mga lalaking kapapasok pa lang ng bar. Isa sa mga lalaking iyon ay iniwan ng nobya para sumama kay Luke noon. Alam niyang ang pakay ng mga lalaking iyon kaya sila naroon was to get even with him. Matagal na ring hindi nababanat ang muscles at buto ni Luke kaya naman sa pagkakataong iyon ay pagbibigyan niya ang mga ito. Bago siya lumabas ng bar ay ipinangako niya sa sarili na huling bisita na niya iyon doon. Iiwasan na niya ang mga ganoong establisyimento at iiwas na rin siya sa mga babae at intriga. Dapat ay maging mas maingat na siya ngayon. Dalawang memo na ang natatanggap niya mula sa President ng University ukol sa kanyang mga “indiscretions”, “misconducts”, at “malfeasances”. Ang ikatlo ay malamang na maging fatal para sa kanyang career. Hindi mapapayagan ni Luke na mangyari iyon. Ngayon pang nakamit na niya ang Master’s Degree sa Industrial Engineering. Nakatuon siya sa kanyang PhD. He could not afford to screw up. Hindi ngayon kung kailan maganda ang takbo ng kanyang karera at napipisil pa siya upang punan ang mababakanteng posisyon ng Chairperson ng Department of Industrial Engineering ng unibersidad. Inubos niya sa isang lagok ang natitirang laman ng hawak niyang bote ng beer. Huling basag-ulo na rin niya iyon. Kailangang magpakatino na siya sa mga susunod na panahon kung gusto niyang makamit ang pinapangarap na doctorate degree at magtuluy-tuloy ang pag-angat ng kanyang propesyon.


****************************************************

Makalipas ang isang linggo ay nakahanap din ng bagong hideout si Lucianne. Mukhang ligtas naman sa lugar na iyon dahil wala siyang napapansing umaali-aligid na kaaway. Pero hindi parin siya pwedeng maging kampante. Kailangang lagi siyang naka disguise para naman mahirapan ang mga humahabol sa kanya na matunton siya. Noong lumabas siya isang gabi ay naka balatkayo siya. Mas maganda na ang ganoon. Mas kumportable siya sa hunyangong balat kaysa sa sarili niya.

Nasa kalaliman siya ng pag-iisap habang naglalakad nang makarinig siya ng sigawan. Sinundan niya ang pinagmumulan ng kaguluhan. Doon nakita niya ang mga lalaking nagbabasag-ulo sa madilim na bahagi sa likuran ng isang bar. Mukhang apat laban sa isa ang laban. Magkagayun man ay hindi naman nagpapadaig sa apat ang nag-iisang lalaki. Mula sa kinatatayuan ni Lucianne ay nakita niyang napatingin sa gawi niya ang magulong grupong iyon. Bigla-bigla ay nagpulasan ang mga lalaki na sa mga sandaling iyon ay natakot sa pulis na nakita nilang mataman na nagmamatyag sa kanila. Hindi sigurado ang pulis kung ano ang gagawin. Akma itong aalis pero may kung ano sa itsura ng lalaki na pumigil dito. Nilapitan ng pulis ang naiwang lalaki, ang kalaban ng apat na sumibat.





****************************************************
Chapter 2







Naningkit ang mga mata ng pulis. Parang may binabasa sa mukha ng lalaking kaharap pero hindi niya maintindihan ang nakasulat doon. Napa-isip si Luke. May dumi ba siya sa mukha? That was a silly question dahil alam niyang walang linis na mababanaag sa mukha niyang malamang sa malamang ay black and blue. Lumingon siya. Hindi na niya makita ang mga lalaking kanina lamang ay kasagupa niya. Naiwan siya…kasama ang pulis. He realized then that he was in trouble. Tiningnan niya ang pulis. He was thin and a bit soft-looking for a man who held power and authority to enforce the law. Surely, he could overpower the man, should it come to that. But he chose to play his cards right. His charm worked on men as well.

“Officer it wasn’t my fault –, “ he flashed an innocent, boyish smile. “They could have beaten the shit out of me if you hadn’t showed up – ,“ the policeman didn’t seem to hear him. He was still studying his face. That made Luke feel uncomfortable. “Sir you can still catch up with them kung bibilisan mo. I saw them run to that direction.” Itinuro niya ang isang madilim na iskinita. Nagsisinungaling siya. Wala doon ang mga lalaking kaaway niya. He just wanted to get rid of the policeman. Biglang nagliwanag ang mukha ng pulis. Sandali lang iyon dahil dumilim ito, parang may namumuong bagyo.

He spoke in what seemed to Luke, a very edgy and rasped voice. “Luke? Luke Sytengco?”

May kakaiba sa boses ng pulis na nagdala ng pamilyar na pakiramdam kay Luke. Parang narinig na niya ang boses na iyon. Hindi lang niya matandaan kung saan at kailan.

“Uhm yeah. I’m Luke Sytengco.” He ignored the word WEIRD that leapt in front of his eyes. Ang weird ng feeling niya. Ang weird ng pulis na kaharap niya at ang weird pa na ang weird na pulis na iyon ay alam ang pangalan niya. The skinny policeman smiled. Luke was puzzled. That smile. Pamilyar ang ngiting iyon. He was in the process of racking his brain when the policeman let out a menacing laugh.

“Tingnan mo nga naman ang pagkakataon o, o!” Itinulak ng pulis ang dila sa loob ng pisngi kaya naman nagmukha siyang may subu-subong bilog na bagay. Umangas ang dating nito kay Luke. Napaatras ang lalaki. With questioning eyes he cocked his head to one side. Tumawa ng malakas ang pulis.

“Ang tagal kitang hinanap. Dito lang pala kita makikita.” Walang anu-ano ay tinadkayan ng maliit na pulis ang lalaki sa buto nito sa binti. Napasigaw sa sakit si Luke.

“Ouch! What did you do that for? This is police brutality.”

Tumawa ulit ang pulis. Pagkatapos niyon ay biglang hinablot nito ang bigote, na kanina pa pinagsususpetsahan ni Luke. Tumambad ang kulay rosas nitong labi na napaka sexy at napaka lambot tingnan. Nakita din ni Luke ang mapuputi at pantay-pantay na ngipin nito na lumitaw mula sa pagkakangiti. Tinanggal din ng pulis ang kanyang cap. Bumagsak ang shining raven black hair nito, na ngayon ay malinaw na kay Luke na pag-aari ng isang babae, hanggang sa balikat nito. Idinako ni Luke ang tingin niya mula sa yumakap na buhok sa balikat ng pulis papunta sa mukha nito. Hindi niya makakalimutan ang mga matang iyon. Hindi niya masyadong naaninag kanina ang mga mata ng pulis. Pero ngayon, kung kailan nakikita niya ang pares ng makikinang na kulay brown na matang nag-aapoy sa galit, sigurado na siya. Naghalo ang pagkabigla at tuwa nang makilala niya kung sino ang kaharap.

Nakangiti siyang nagtanong “Lucianne San Gabriel? My sweet baby Lucianne?” Matagal na panahon na niyang hindi nakita si Lucianne. Noong nagkasakit kasi ang ina nito ay bigla na lamang itong umalis. Ni walang pasabi kahit sa kanya, hanggang sa nabalitaan na lamang niya na namatay na ang ina nito. Hindi na muling nagpakita pa ang babae. Hindi manlang nagawa ni Luke na makausap ito at makahingi ng tawad bago ito nawala sa buhay niya.

“Aba nakukuha mo pang ngumiti talaga ha?” hindi pinagtakpan ng babae ang galit niya, pero hindi ito napansin ni Luke.

“Kamusta? Ano nang nangyari sa iyo? Bakit ka naka police costume? Saan ka na – Aray!” naputol ang pagtatanong ni Luke nang sipain ni Lucianne ang shin sa kabilang binti niya. Yumuko siya upang hagurin ang kanyang nasaktang binti.

“Ano ba? Nakakadalawa ka na ha.” Kahit na inis na si Luke ay nakangiti pa rin ito. Lalong tumindi ang galit sa dibdib ni Lucianne. Katulad pa rin si Luke ng dati! Kahit galit na galit na ito sa kanya ay nakukuha pa rin nitong ngumiti. Dati pa ay ganun na siya…ganun siya kay Lucianne. Laging pasensyoso. Sumulak ang pangungulila sa puso ni Lucianne. Na-miss niya ang lalaki. Kung hindi lamang natatalo ng galit ay malamang nagtatalon na siya sa tuwa sa muling pagkikita nila ng gwapong si Luke.

“Ano aangal ka?! Subukan mo lang! Matagal ko ng hinihintay na magkita tayo ugok ka! Akala mo siguro madadaan mo ako sa pangiti-ngiti mo? Tulok mo! Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa mo sa akin.”

“Anong ginawa ko sa iyo?” he was a convincing actor. Para talagang wala siyang alam na ginawang kasalanan sa babae.

“You really can’t remember, you jerk?! Wow I’m amazed. Talagang wala kang kunsensya noh? Paano ka nakakatulog sa gabi, manyak ka! Molester! Rapist!”

“Hey, hey. Lucianne careful with your accusations, I did not – “

“Screw you Luke! It’s one thing that you’re a dirty, disgusting, moronic rapist pero kung sinungaling ka pa that’s beyond damnable! That’s unpardonable! Animal ka!”

She punched him in the face. He almost lost his balance. The girl meant business. And she sure knew how to beat up a man.

Namantsahan ng dugo ang gilid ng labi ni Luke kung saan dumapo ang sapak ni Lucianne. Sinapo ng lalaki ang panga niya.

“I missed you too Lucianne.” he gave her his lethargic smile, the one specifically designed for her, who could be really tempestuous. That was the smile that he used to give her (when they were still dating) when she was being difficult, which meant “stop or I’ll kiss you”. He was amused that the smile still held its effect on the girl. She clearly wanted to say more pero noong nakita niya ang lazy smile ni Luke, natigilan siya. She clenched and unclenched her fists, trying to pump determination back to her unpredictable heart. Sa dinami-dami ng pagkakataon at lugar ngayon pa nagdesisyon ang puso ni Lucianne na tumibok ng mabilis.

He spread his arms. “Before you kill me, won’t you give me a hug. Come on Lucianne for old time’s sake. I really missed you.”

It felt like the old times. It felt like time did not pass. It felt like home...it felt like he was still hers. He’d always been like that. Always patient, always smiling. How did she manage to live these past years without him? She shrugged her homesickness off.

She slapped him hard on the face.

“Fuck you!”

Sapo na naman ng lalaki ang panga niya. Tumiim ang bagang nito pansumandali pagkatapos ay bumalik ang ngiti sa labi.

“I would give my other cheek for you to slap kaya lang baka palutin ko na sa lupa ang mga ngipin ko.” Minasahe ng lalaki ang pisngi niya. “Ang sakit mo naman manampal. Pero sige kung iyan ba ang magpapasaya sa iyo eh.”

“Aba talagang nang-aasar ka noh? Wala akong nakikitang pagsisisi sa mukha mo, hayup ka! At kanina ko pa hinihintay ang apology mo!”

“I didn’t rape you Lucianne. We both know that.”

“Damn you! I was seventeen, for crying out loud Luke. I was seventeen!”

“And I was drunk!” he snarled. He sighed. Tenderness registered on his face. “I’m sorry Lucianne. I know I was a jerk. I should have said no – “

“Teka sandali. Anong sabi mo?” Luke knew danger when he saw it. He knew he made a big mistake when he implied that he was forced to sleep with her. His fate was sealed. He began to inch away. She did not let him off the hook.

“What did you just say Luke? You should have said NO?”

He put on his most innocent expression. “Uhm did I say that?” He avoided her gaze.

She chuckled. He could have been relieved noong narinig niyang natawa si Lucianne. Kaya lang he knew that it was not because of amusement.

“You really have a strong death wish Luke. You want to die? Ano yang pakulo mo na parang pinapalabas mo pa na napilitan ka kaya mo ako ni-rape?” he winced at the word rape. He started to talk.

“Hep! Huwag kang magsasalita hudas ka! Anong feeling mo ikaw pa ang biktima? Alalahanin mo Luke seventeen lang ako and you were twenty one, you twisted pervert!”

“Lucianne I was drunk. We were both drunk.” His voice was appealing. “Please let bygones be bygones.”

“Wow! Easy for you to say Luke. It was not your virginity that was robbed. It was not your innocence that was snatched away. And by whom? By a corrupt asshole. By a Pig. By a moron!”

“Oh come on Lucianne – “ he was starting to get defensive. He could not let her accuse him unjustly. “I didn’t hear you complain. And hate me all you want, but you were so excited and ecstatic back then. You even initiated the kiss. I was weak. Lalaki lang ako Lucianne and you were oh sooo damned hot. You were so tempting. I lost my head. I’m really sorry.”

She made a loud buzzer sound.

“Wrong explanation! Ang sabhin mo talagang manyak ka!”

“Lucianne you were my girlfriend.”

“And you think that made a difference? Because you were my boyfriend okay lang na mag-take advantage ka?” she let out an impatient sound. “And besides, I was just one of your girlfriends. Hudyo!”

He was taken aback.

“O ano akala mo hindi ko alam na niloloko mo ako noon? You’re the worst Luke. Niloko mo na ako hinayupak ka ni-rape mo pa ako!”

“Oh please Lucianne, stop obsessing over what happened. It was not rape. You consented. And we did that out of love. Don’t ever try to deny that!”

He had her there. She was silent for a moment.

“I was underage, you manwhore! Taking advantage of a drunk teenager, that’s rape in my book. And that’s rape, as stated in Article 266-A of the Republic Act Number 8353 or the Anti-Rape Law of 1997. It is stated that rape is committed by a man who shall have carnal knowledge of a woman when the offended party is deprived of reason.” She shot him a disgusted look then she laughed triumphantly.

Pinagpawisan ng malamig si Luke. Nasaksihan ni Lucianne ang pagkawala ng kulay sa mukha nito. Pati mga pasa ng lalaki sa mukha ay namutla.

“You see Luke, I was the offended party.” Itinutok ng babae ang daliri sa lalaki. “At ikaw…ikaw na walang-hiya ka, ikaw ang nanakit at umabuso sa akin.” He fell silent, his gaze fell to the ground. It took almost two minutes before he broke the silence.

“I’m sorry Lucianne. Idemanda mo ako kung gusto mo. Aaminin ko sa lahat ng tao ang pagkakasala ko. Wala akong pakiaalam kahit na makulong ako. Kahit na masira ang buhay ko. Kahit mabale-wala lahat ng pinagpaguran ko. Kahit na – “ he looked really hurt. Tinubuan ng awa si Lucianne. “ – kahit na death sentence pa ang ipataw nilang parusa sa akin tatanggapin ko. Kung rape man ang tawag mo sa nangyari sa atin, para sa akin napaka espesyal noon dahil iyon ang katunayan kung gaano kita minahal at kung gaano mo rin ako kamahal noon. Ang tanging kasalanan ko lang ay minahal kita.” Nalubos ang awa ni Lucianne para sa lalaki nang makita niya na parang nangingilid na ang luha nito.

“Sus! Huwag kang magdrama diyan ha.” saway niya. She looked at the man sideways.

“Akala niya talaga magdedemanda ako?” she muttered. Sa totoo lang ay nagulat si Lucianne sa sarili niya. Akala niya ay malalim pa sa Sheol ang galit niya kay Luke pero noong nakita niya ito ay napagtanto niyang hindi niya kayang magalit ng todo-todo sa lalaking dati niyang minahal. Hindi ibig sabihin niyon ay hindi siya galit at hindi rin ibig sabihin niyon ay napatawad na niya ito. Hindi huhupa ang galit niya at hindi niya ito mapapatawad hanggang hindi siya nakakaganti dito. Habang nag-iisip siya ay nakita niya ang pagsilip ng pinipigil na ngiti ng lalaki. Tumingin siya sa mukha nito. Nakita niya ang sumasayaw na mga mata nito. “Argh!” Nagdadrama lang pala talaga si Luke. Kung kailan naman medyo naaawa na siya dito!

Nang makita ng lalaki ang pamimilog ng mga mata ng babae sa galit ay tuluyan nang humulagpos ang kanina pa niya pinipigil na tawa.

“Hahahahahahaha” pinakawalan ng lalaki ang kanyang malakas na tawa. Napahawak pa siya sa kanyang tagiliran sa sobrang saya. Pansamantalang napako si Lucianne sa kanyang kinatatayuan. Masakit isipin na mahabang panahon niyang hindi nasaksihan ang tawa na iyon ni Luke na parang tawa ng isang giggly baby in a man’s clothing. Habang naka-angat ang ulo ng lalaki, at naka pamaywang pa ang dalawang kamay dahil sa kakatawa ay nakakita ng opening si Lucianne. Tinadyakan niya ng malakas ang lalaki sa sikmura!

“Sira ulo!” sigaw niya habang mabilis na tumatakbo palayo sa lalaking napasandal sa pader dahil sa lakas ng tadyak niya. Malamang hindi ito makahabol sa kanya dahil sa pagkawala ng lahat ng hangin sa buong katawan nito. Ikaw ba naman ang tadyakan ng buong giting sa sikmura habang tumatawa ka at the top of your lungs.

“Humanda ka Luke!” sigaw ni Lucianne sa sarili habang tumatakbo.

Matapos na may nangyari sa kanila noong gabing nalasing sila ay gusto sana niyang patayin ang mapanglamang na boyfriend. Nagbanta siya sa isa sa mga kaibigan nito na kapag nakita niya ito ay talagang pupulutin ang walang buhay niyang katawan sa ilog Pasig. Naging masunurin naman si Luke dahil hindi ito humara-hara sa daan niya. Imbes na matuwa ang babae ay nagalit pa siya ng todo. Hindi manlang humingi ng tawad ito at ni hindi manlang siya sinuyo! Totoo nga talaga ang sabi nila na kapag nakuha na ng lalaki ang gusto nila ay ibabasura nalang ang isang babae.

Matapos ang namagitan sa kanila noong kapwa sila lasing ay sigurado si Luke na umuusok sa galit si Lucianne. Nagsisi siya sa nagawa niya at labis-labis siyang binagabag ng kanyang kunsensya. Hindi rin nakatulong ang kumalat na balita tungkol sa iba niyang mga girlfriends. Alam niyang silyado ang kamatayan niya kapag nalaman ni Lucianne ang lahat ng kalokohan niya kaya minabuti niyang sundin ang gusto nito na huwag muna silang magkita. Mali ang desisyon niyang iyon dahil pagkalipas ng isang linggo ay biglang umalis si Lucianne at ang kanyang mommy at hindi na bumalik.